Chapter 4 The Best Man

2 0 0
                                    

While she's on her way to reception ay nakasabay niya ang  entourage at si Elizabeth sa elevator. Napa-pwesto siya sa bandang sulok ng elevator, nandoon lang siya nakayuko at naghihintay makarating sa pupuntahan. Kanina pa siya nagugutom, kaunti lang din naman kasi ang kinain niya bago umalis.

Konting tiis na lang

"OMG, girls, isn't he perfect? And he's so HOT."

Narinig niyang sabi ng isa sa mga dalagang kasama niya, napalingon siya sa kinikilig na babae. Si Marcella ang bunsong kapatid ni Gerard, hawak – hawak ang cellphone at ipinapakita ang picture ng lalaking kinakakiligin niya. Na-a-amaze na lang siya sa nakikita niya na halos lahat sila eh kinikilig.

"True, I heard he's still single?" tanong ng isa

Napa-isip si Ava at inaalala ang hitsura ng best man pero hindi niya talaga matandaan. She just shook her head and discarded the thought.

Well anyways, hindi naman ang best man ang pinunta ko rito. Bukod kay Gerard, of course, yung food. HAHAHAHA!!!

TING!

Finally

Bumukas ang pinto ng elevator at sobrang in awe siya sa nakita, para kasi siyang na-warp sa fairytale land. May mga nagliliparan na mga butterflies and she can smell the freshness of the flowers. Inihatid naman siya ng assistant ni Elizabeth sa table kung saan siya naka- assigned na umupo. Doon siya naka-pwesto sa table katapat nila Gerard at kasama niya rito ay isang happy family: dad, mom and their cute toddler son. Napansin naman ng young couple na nakatingin si Ava sa anak nila.

"Theodore ang name niya, pero you can call him Ted." Sabi ng mother ng baby, napatingin siya rito at nakitang nakangiti ang mag-asawa sa kaniya. She smiled back and sat.

"Hi Ted"

Tiningnan naman siya ng cute na bata at tumawa. Cute na cute siya sa bata lalo na sa dimples nito.

"I'm Ava" Pakilala niya sa mga ito sabay lahad ng kamay.

"Now I remember, ikaw 'yung kasama dati ni Gerard sa family reunion." Sabi ng ina ng bata.

"Yes ako nga po."

"Ako pala si Isobel and husband ko si Marcus."

"Nice meeting you both."

Habang hinihintay na magsimula ang program at i-serve ang dinner ay lumilibot ang mga mata ni Ava. May nakikita siyang mga batang nagtatakbuhan, yung entourage nasa kabilang table lang. May nakikita rin siyang mga nagkukumpulan na mga photographers, marahil naroon ang mga bisitang celebrities at business partners. Mayroon din naman iniinterview ng mga reporters.

Maya-maya pa ay narinig niya ang mga babae sa kabilang table na nagtatawanan at tila mga kinikilig. Out of curiosity ay hinanap niya ang dahilan ng kinakikiligan ng mga ito, pagkalingon niya ay nakita niya ang isang lalaking naglalakad sa red carpet. Hindi niya alam kung bakit pero parang biglang bumagal ang oras, parang sa pelikula, nag-slow motion ang buong paligid habang naglalakad ito. Mukhang foreigner, matangkad, may pagka-moreno, and it seems God had spent so much time sculpting this beautiful creature. Hindi siya makagalaw, nakatulala lang siya dito at nang tingnan siya nito ay wala siyang ibang nagawa kung hindi mapalunok na lang. Bumalik naman ang lahat sa normal nang makalagpas ang lalaki.

Ano 'yun? Tanong niya sa sarili and shook her head.

"'Yun ang best man ni Gerard." Bulong ni Marcus sa kaniya.

"Aah. Siya pala yung kanina pa pinag-uusapan ng mga bridesmaid"

Nagugutom na siya and starting to get bored, nang marinig niyang i-perform ng liveband ang Moon River ni Frank Sinatra, ang favorite niyang kanta.

Finally, dinner was served. 

Smile In Your HeartWhere stories live. Discover now