CHAPTER TWO

554 19 0
                                    


MAAGANG nagising kinabukasan si Karma. Pagtingin niya sa digital clock sa ibabaw ng bedside table ay alas singko y media na ng umaga. Si Brenna ay tulog na tulog parin kaya hindi na muna niya ito ginising. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at lumabas ng silid. Napangiti siya dahil tahimik pa ang buong bahay. Kung may gising man sa mga oras na iyon maliban sa kanya, siguro ang mga maids lang.

Dumiretso siya sa kusina upang magtimpla ng kape. Balak niyang sa itaas lang niya iinumin iyon, baka kasi maabutan pa siya ni Leo sa kusina. Pagdating niya doon ay walang tao. Perfect! Mas mapapadali ang pagtitimpla niya. Agad siyang kumilos. Iyon nga lang ay hindi niya kabisado kung saan inilagay ang mga kagamitan. It took her a few seconds to finally find the coffee cup. Nandun lang pala sa cabinet na nasa dulo.

Nagsimula na siyang magtimpla sa nag-iingat na mga kilos. Baka kasi may makarinig sa kanya at worse kung si Leo pa iyon. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtitimpla ay may pumasok na maid. Binati niya at nginitian ito. Gumanti naman ito sa kanya. Ang ikinabigla niya ay nang tumingin ito sa may pinto at ngumiti. Kinakabahang napatigil siya sa pag-inom ng kape.

"Good morning, sir." Anito.

Isang maliit na singhap ang lumabas sa bibig niya sabay na nanigas siya sa kinatatayuan. Alam niyang si Leo ang nandun kahit pa hindi siya lumingon. Her body reacted instinctively to his presence, her heart pounded fast, vibrating in her chest.

"Good morning," ganting bati nito. Hindi naman para sa kanya ang bati nito ngunit nanayo ang balahibo niya sa batok at sa braso. Para bang ibinulong nito sa kanya ang mga katagang iyon. Hindi niya alam kung iiwan ba niya ang kape niya o hindi. Gusto niyang tumakbo habang may pagkakataon pa siya. Lumingon siya. Sa puntong iyon ay nakita niyang iniwan na silang dalawa ng maid. Mas lalo siyang nag-panic. Hindi na siya nag-isip pa, inilagay niya sa ibabaw ng kitchen counter ang kanyang kape at nagmamadaling tinungo ang pinto.

"Karma, wait." Nahawakan nito ang braso niya. Para siyang nakuryente sa pagdaiti ng palad nito sa balat niya. It felt like a million tiny fires igniting just from one touch. Nais niyang mawala ang nararamdamang iyon kaya hinawi niya ang kamay nito. Napalakas ang ginawa niyang iyon kaya napaatras siya. Nabitiwan nga ni Leo ang braso niya ngunit humakbang naman ito palapit sa kanya. Karma felt trapped. Napatingin siya sa pinto, nagdarasal na sana ay biglang lilitaw si Brenna, o kahit na sino paman. Sa kasawiang-palad, walang dumating.

"Karma, please. Wag kang umalis."

"Stay away from me, Leo." Sabay nilang sabi sa isa't-isa. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa dibdib nito at itinulak ito.

"Gusto ko lang naman na—"

"Kung gusto mong makipagkaibigan, kalimutan mo na." Putol niya sa sinasabi nito. "Nandito ako para kay Nicole. Please, Leo. Magpanggap na lang tayo na hindi natin kilala ang isa't-isa." Iyon lang at tumalikod na siya. Kung ano man ang gusto pa nitong sabihin, wala siyang balak pakinggan iyon. Higit sa lahat, hindi niya matanggap ang reaksyon ng katawan at puso niya pagkakita kay Leo. Dapat niyang kamuhian ito, hindi siya dapat makaramdam ng pananabik. Dapat niyang isaksak sa isip ang ginawa nito sa kanya noon. He broke her heart and she didn't want to feel that kind of pain ever again.

Napabuntong-hininga siya. Hindi tuloy siya naka-inom ng kape. Kakagising lang ni Brenna nang pumasok siya sa loob ng silid nila. Naghikab pa ito.

"Good morning. Saan ka ba galing?"

"Um, sa kusina." Sagot niya.

"Indulging your addiction again?" Anito. Alam kasi ni Brenna na mahilig siya sa kape. Nangingiting tumango siya rito. Sabay na may kumatok sa pinto. Unti-unting naging yelo ang ngiti niya. Sinundan kaya siya ni Leo patungo sa kwarto? Gusto niyang magtago sa ilalim ng kama ngunit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang malaman ni Brenna ang nangyari sa kusina.

Loving Karma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon