NAPABUNTONG-HININGA si Leo habang nilalaro ang mga paa sa buhangin. Ang dalawa niyang mga kamay ay nakasilid sa bulsa ng kanyang board shorts. Medyo malamig kasi ang hangin na nagmumula sa karagatan. At habang nagpapahangin siya ay isang tao lang ang tanging laman ng kanyang isipan.
Matapos ang pangyayari kanina sa pool ay hindi na bumaba si Karma mula sa kwarto nito. Ang sabi ni Nicole ay nagpapahinga raw ito. Sa totoo lang ay sinisisi niya sina Zac at Chad, ang dalawang lalaking tumapon kay Karma sa pool. Nang makita niyang binuhat ng mga ito si Karma, nag-panic siya lalo na nung makita niyang patungo ang dalawa sa pool. Alam niyang hindi marunong lumangoy ang dalaga at huli na nung sinita niya ang dalawa. Hindi rin nila narinig ang pagsigaw niya dahil umalingaw-ngaw ang sigaw ni Karma. Wala siyang sinayang na oras at iniligtas ito. He acted fast and dived into the water before someone else could do it. Alam niyang ayaw nito kung lalapitan niya ito ngunit hindi niya kayang tingnan na lang na nahihirapan ito.
Awtomatikong napadako sa kanyang balikat ang isa niyang kamay. Nang maramdaman niya kanina ang mga kamay nito sa balikat niya ay may kung anong napukaw sa kaibuturan niya. God, he missed her touch. The way her hands felt against his skin, the way her fingers fitted perfectly together with his...he missed all of it.
Isang kaluskos ang narinig niya mula sa likuran kaya agad siyang napatingin. Nagulat siya nang makita si Karma. Wala sa mukha nito ang bakas ng pagkagulat nang makita siya. Siguro ay alam nito na siya iyong nag-iisang tao sa baybayin.
"Karma..." tawag niya sa pangalan nito. At nang makita niyang humakbang ito palapit sa kanya, bigla na lang kumabog ang puso niya. May epekto parin sa kanya ang dalaga, hindi niya ipagkakaila iyon.
"Gusto ko lang sanang isauli 'tong t-shirt mo." Sabi nito. Para siyang may nakakahawang sakit dahil hindi talaga ito lumapit sa kanya, binigyan parin nito ng malaking espasyo ang pagitan nila. Humakbang siya palapit rito ngunit napatigil rin nang makita niyang umigtad ito na para bang tatakbo ito kapag lalapitan pa niya lalo.
"I don't bite, Karm." Sinubukan niyang lumapit ulit ngunit umatras ito.
"Alam ko. I-I just don't want to be near you. Kaya please kunin mo na itong t-shirt mo."
Leaving no choice, inabot niya ang t-shirt mula sa kamay nito. Akala niya ay aalis na ito pagkatapos ngunit nabigla siya dahil hindi ito umalis sa kinatatayuan. Kagat nito ang ibabang labi at nakatingin sa ibaba, inilalaro nito sa buhangin ang mga paa. Nakamasid lang siya sa dalaga at pagkatapos ng ilang segundo ay nag-angat ito ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata.
"Um," nilinaw nito ang lalamunan. "Thank you nga pala sa t-shirt mo at sa pagligtas mo sa akin kanina."
Napangiti siya roon. "It's nothing, Karm."
Hindi ito umimik ng ilang sandali. Nanatili lang siyang nakatingin rito habang pina-pop nito ang mga knuckles nito. Kilalang-kilala niya ang dalaga. Kapag ginagawa nito iyon, ibig sabihin lang ay may gusto itong sabihin ngunit natatakot lang.
Nilinaw niya ang lalamunan. "Sabihin mo na, Karm."
Napaangat ang ulo nito at pagkatapos ay muling kinagat ang ibabang labi. Malalim na bumuntong-hininga ito. "Fine. Gusto ko lang sabihin na...I owe you for rescuing me. Kung anong pabor ang gusto mong hingin sa akin, sabihin mo lang."
Sandali siyang natahimik. "May exceptions ba?"
"Of course. Except for asking friendship from me dahil hindi ako sigurado kung maibibigay ko 'yon. And just so you know, this is just a one-time offer at gusto kong gawin na ngayon. Kung gusto mong kumanta ako, o 'di kaya'y sumayaw, gagawin ko. So ano na?"
BINABASA MO ANG
Loving Karma [COMPLETED]
RomanceHindi inakala ni Leo na makikita niyang muli si Karma Camille Reyes, ang ex-girlfriend niya. It's been three years since he last saw her, at marami na ang nagbago rito. Ang mataas nitong buhok noon ay maiksi na ngayon. And she was no longer the smil...