CHAPTER TEN

726 31 8
                                    

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas simula noong huli nilang pagkikita ni Leo. Sa totoo lang ay dapat magdiwang siya, hindi siya dapat kinakain ng konsensiya niya. But Karma dreamt of it almost every night and everytime she woke up, there were tears in her eyes. She even cried the first time. Talagang umiyak siya nang umiyak dahil sobrang bigat ng damdamin niya. Ilang beses na niyang kinastigo ang sarili ngunit ayaw paawat talaga ng puso niya.

Nasa isang coffee shop siya nang mga sandaling iyon. Um-order naman siya ngunit hindi naman niya iniinom. Ewan ba niya. Si Leo parin kasi ang laman ng isipan niya. She wondered where he was right now, kung bumalik na ba ito ng Amerika. Kung hindi lang siguro matao ang lugar ay kanina pa niya inuuntog ang kanyang ulo sa mesa. "Stop it, Karma. You shouldn't be thinking about him." She muttered to herself.

"Hi..." May isang tinig na nagsalita mula sa likuran niya. Lumingon siya at biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. It was Mikaela, ang babaeng ipinagpalit ni Leo sa kanya. "You're Karma, right?"

Tumayo siya. "Sorry, I don't talk to strangers."

"Wait," hinawakan siya nito sa braso. "You probably don't remember me—"

"Oh, I remember you." Putol niya rito. "Kilalang-kilala kita. Ikaw si Mikaela, 'di ba? Ang babaeng ahas three years ago. Ah, nope, you still are. Kayong dalawa ni Leo."

Mapaklang ngumiti ang kausap niya at napahawak sa tiyan. "About that, hihingi sana ako ng paumanhin. I know it's too late, three years too late to be exact. Pero walang kasalanan si Leo. It was my plan. That night when you saw us, walang kasalanan si Leo. I was...obsessed with him years ago. Na-i-inggit ako sa'yo noon dahil mahal na mahal ka niya at ako, tanging kaibigan lang ang turing sa akin. And that night I made him so drunk, so I could...you know, break you up. Pero walang nangyari sa amin, Karma. Nagising siya just in time, 'yun rin 'yong time na dumating ka."

Ngumiti siya ng mapakla. "Wala ka ng dapat i-explain sa akin. It's all in the past. At isa pa, mas pinili ka naman ni Leo eh."

"What do you mean pinili ako ni Leo?" Naguguluhang tanong nito.

"I saw you with him two weeks ago. He was so happy while hugging you." Puno ng hinanakit na sabi niya nang maalala ang sandaling iyon. Ilang segundong hindi umimik si Mikaela na para bang nag-iisip. Iiwan na sana niya ito ngunit parang naalala na nito ang pangyayaring iyon.

"Yes, he was happy for me, Karma. But that's because I'm pregnant with my husband." Pagkasabi niyon ang napatingin siya sa medyo maumbok nitong tiyan. "I'm married, and Leo was happy for me. Hindi siya masaya dahil sa wakas ay magkakaroon na kami ng happy ending. He's not my happy ending, Karma. I'm happily married now. In fact, pangalawang anak na namin ito ng asawa ko."

Napanganga si Karma sa narinig.

"Kung alam mo lang kung gaano siya kasaya noong araw na 'yon, Karm." Patuloy ni Mikaela. "He told me that he found his one true love again, at ikaw 'yon. And he swore that he won't let you get away from him this time. Despite what I did three years ago, pinatawad niya ako because he wants to move on together with you. You are his life, Karm. And I can see it through his eyes. Alam kong isang napakalaking sugat ang nagawa ko sa'yo noon, and I know it'll be hard for you to forgive me. Hindi kita pipilitin na patawarin ako, I just want to say na walang kasalanan si Leo sa nangyari. It was all my fault. And I hope you can find it in your heart na paniwalaan siyang muli. Because he loves you Karm, he really do. He never stopped loving you."


"OH, GOD! WHAT have I done?" Naluluhang sambit ni Karma sa sarili habang naglalakad pabalik sa kanyang kotse. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig mula kay Mikaela. Leo didn't cheat on her. It was her who assumed the worst of him. Natutop niya ang bibig, kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. She hurt him big time. She really did. Napahagulgol na lamang siya habang naiisip ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig niya nung huling pag-uusap nila ni Leo. Was it already too late for her to apologize and bring him back?

Loving Karma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon