PAGPASOK ni Leo sa isang bar nang gabing iyon ay hindi niya inasahang makikita roon si Karma. Nais kasi niyang mag-unwind na mag-isa para kahit papaano ay hindi lang palagi si Karma ang laman ng kanyang isipan. Ngunit heto siya ngayon sa isang bar at nagkataong nandoon din si Karma. Napapadalas na yata ang pagkikita nila kahit na hindi sinasadya. Noong nakaraang araw lang ay na-stranded ito sa penthouse niya dahil sa malakas na ulan. Mahigit tatlong oras din itong nag-stay sa penthouse niya dahil kahit na medyo humina na ang ulan, baha parin ang daan. Matapos niyang kunin ang damit nito sa dry-cleaning ay nakisabay siya sa pagkain rito ng pizza. Naging tahimik ito bigla na para bang may gumugulo sa isip nito. Hindi naman siya nagtanong dahil natakot siya na baka isipin nito na nakikialam siya at baka mairita pa ito sa kanya. He just watched her as she popped her knuckles. At one point, akala niya ay ishi-share na nito kung ano ang gumugulo rito ngunit nagbago ang isipan nito. "Uh, never mind." Iyon ang sinabi nito bago hinigop ng tuluyan ang hot chocolate. Nang gabing iyon ay hindi siya nakatulog. Talagang nagtataka siya sa kinikilos ng dalaga.
Dumiretso siya sa bar counter at um-order ng maiinom. Habang hinihintay ang order niya ay napatingin siya muli kay Karma. Gusto niyang lapitan ito subalit hindi ito nag-iisa dahil kasama nito ang mga kasamahan sa trabaho. Noon lang din niya na-realize na lasing na ang dalaga. Iba na kasi ang ikinikilos nito at mula sa kanyang obserbasyon, hindi siya sigurado kung umiiyak ba ito o tumatawa.
"Sir, ito na po ang drinks n'yo." Untag ng bartender sa kanya. Ilang segundo munang naputol ang kanyang pagmamasid kay Karma dahil hinarap niya ang bartender. Nagbayad siya at pagkatapos ay dinala ang baso sa bibig upang inumin ang alak. Nang muli niyang tiningnan ang dalaga ay nakita niya itong tumayo na. Muntik pa itong matumba dahil nawalan ito ng balanse. Siya rin ay muntik ng mabilaokan nang dagli-dagli niyang nilagok ang alak. Sayang naman kasi kung hindi niya uubusin dahil binayaran niya iyon.
Pagkatapos niyang inumin ang alak at ilagay sa ibabaw ng counter ang baso, tumayo siya upang lapitan ang kinaroroonan ni Karma. Sa paglapit niya ay narinig niya ang pakikiusap ng mga kaibigan nito na huwag na itong mag-drive at ihahatid na lang pauwi. Ngunit talagang mas matigas ang ulo ng dalaga dahil nagpumilit parin itong umuwing mag-isa. No surprise there actually. Knowing Karma, she could be very stubborn if she wanted to.
"Karma," tawag niya sa dalaga. Nag-angat ito ng ulo at pansamantalang natigilan nang makita siya. Ganun din ang mga kaibigan nito. Nakatingin sila sa kanya habang nakaawang ang mga labi.
"Leo!" Sambit ni Karma nang makabawi ito.
"Mr Ledesma?" Mula sa grupo ay tumayo si Gwen Velez, ang interior decorator na nag-design sa penthouse niya. "Magkakilala kayo ni Karma?"
Napatingin siya kay Karma. "Uh—"
"Yes, we know each other...oops!" Natumba pa ito nang pilit nitong makiraan sa mga kasamahan para lang lapitan siya. "Nasaan 'yung sapatos ko?" Tanong nito nang mapansin na nawawala ang isa nitong sapatos.
"Hay naku, Karm. Lasing ka na talaga." Sambit ng isa sa mga kasamahan nito. "Hindi ka pwedeng mag-drive. Naintindihan ba, hija?"
Lumabi lang si Karma sa sinabi ng kaibigan. Lihim siyang napangiti sa reaksiyon ng dalaga. Cute kasing tingnan ito kapag lumabi. Lalo na at medyo mapupula ang pisngi nito dahil sa kaiinom ng alak.
"Huwag mo kaming daanin sa pa-cute-cute na 'yan ha. Hindi ka talaga namin papayagang magmaneho."
"Unfair naman!" Maktol parin ng dalaga. "Bakit ako lang ang hindi pwede magmaneho? Eh, pareho lang naman tayong naka-inom!"
"Kasi nga lasing na lasing ka na! Tingnan mo nga 'yang paa mo? Nasaan 'yung isang sapatos mo?"
"Ha? Ewan ko." Sagot ng dalaga dahilan upang magtawanan ang mga kaibigan nito. Hindi na rin napigilan ni Leo ang mapangiti. Nakita ni Karma ang reaksiyon niya kaya inungusan siya nito. "Ewan ko sa inyo. Nasa'n na ba 'yong sapatos ko?" Yumuko ito upang hanapin ang nawawala nitong sapatos. Talagang lumuhod pa ito at akmang susuong sa ilalim ng mesa. Hindi nito inalintana na nakasuot ito ng itim na pencil skirt.
BINABASA MO ANG
Loving Karma [COMPLETED]
RomansaHindi inakala ni Leo na makikita niyang muli si Karma Camille Reyes, ang ex-girlfriend niya. It's been three years since he last saw her, at marami na ang nagbago rito. Ang mataas nitong buhok noon ay maiksi na ngayon. And she was no longer the smil...