"OKAY. SPILL IT OUT." Nagulat si Karma dahil sa sinabing iyon ni Brenna. Napahinto tuloy siya sa pagsubo ng lasagna. Nasa isang fast food chain sila sa mga oras na iyon at nagla-lunch. Galing sila sa pamamasyal at dahil gutom na ang kaibigan niya, kumain na muna sila.
"Ha? Itong kinakain ko iluluwa ko?" Nalilitong balik-tanong niya.
Itinirik nito ang mga mata. "Gaga, hindi 'yan ang ibig kong sabihin." Anito at lalong nagsingkit ang kilay niya. Umikot uli ang mga mata nito. "Hindi mo lang ako best friend Karms, isa rin akong antenna at CCTV sa buhay mo. Alam ko kung may pinagdadaanan ka at kung kailan ka in love. 'Yang itsura mo ngayon? Trust me, alam ko kung ano 'yan. In love ka at kahit na i-deny mo pa sa akin ngayon, hinding-hindi ako maniniwala sayo. Kanina ka pa kasi ganyan eh. You're spacing out most of the time. At hindi lang iyan, kanina habang nagma-malling tayo ay palinga-linga ka na para bang may hinahanap ka. Minsan rin nahuhuli kitang nakangiti habang nakatulala. Hindi ka naman siguro naka-drugs ano?"
Inirapan niya ang kaibigan. "Para 'yun lang? Nasabi mo na agad na in love ako?"
Brenna's eyes turned into slits, looking as if she wanted to wring her neck. "Hindi mo ako maloloko, Karm. Simula nang makita mo ulit si Leo ay may pagbabago na sa'yo. At last week lang, sabi ni Gwen ay si Mr Ledesma raw ang naghatid sa'yo pauwi galing sa bar dahil hindi ka makapagmaneho sa kalasingan." Idiniinan pa nito ang pagkabanggit sa apelyido ni Leo.
"At kailan naman kayo nagkita ni Gwen?"
"Kahapon nung nagpunta ako sa banko. But don't try to change the subject." Anito. Napalunok tuloy siya nang makitang sumeryoso ang mukha ng kaibigan. "Si Leo, hindi ba?"
Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. Tahimik na inilatag niya ang hawak na tinidor. Tumingin siya kay Brenna at kinagat ang ibabang labi. Wala siyang sinabi ngunit parang naintindihan iyon ng kaibigan dahil ngumiti ito sabay na hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon. Bumuntong-hininga siya. "You can call me stupid or anything you want, I'm just...hindi ko na napigilan ang sarili kong mahulog ulit sa kanya."
"No, Karm. Nagkakamali ka. You didn't fall in love with him again because in the first place you are still in love with him." Pagtatama nito. "Kahit tatlong taon na ang lumipas, mahal mo parin siya. Akala mo nakalimutan mo na siya. Akala mo nag-move on ka na. Pero ang totoo, nananatili parin siya sa puso mo. Seeing him again ignited that little spark in your heart, Karm. That's the truth."
"Brenna..." Napalunok siya dahil sa sinabing iyon ni Brenna. Tama kasi ang kaibigan niya. Mahal parin niya si Leo magpahanggang ngayon. Kahit na tatlong taon na ang lumipas, si Leo parin ang laman ng kanyang puso. Kahit na winasak ng binata ang puso niya, ito parin ang tinitibok niyon. Alam niyang isang malaking katangahan ang patuloy na mahalin ang taong nagpasakit sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi parin niya nakakalimutan ang binata. Noon ay naisip niya na baka dahil wala silang proper closure noon. Na kung makikita niya ulit ang binata na naka-move on na, na may kasama itong ibang babae siguro ay matututunan niya ring makalimutan ito. Ngunit nagkamali siya. Si Leo parin ang nagmamay-ari ng kanyang puso kahit tatlong taon na ang lumipas.
"So ano ng gagawin mo ngayon?" Untag ng best friend niya sa kanya. Alam niya kung ano ang tinatanong nito.
Bumuntong-hininga siya. "Sa totoo lang hindi ko alam, Brenn eh."
"Hindi mo ba sasabihin sa kanya ang nararamdaman mo?"
Ilang sandali siyang hindi naka-imik. Nakatitig lang siya sa kaibigan niya at nakita niya kung gaano ito ka seryoso sa tanong nito. Hindi rin niya napigilang isipin ang sinabi nito. Paano nga ba kung sasabihin niya kay Leo ang nararamdaman? May patutunguhan pa kaya sila?
Muli siyang bumuntong-hininga. "Hindi ko alam, Brenn. Takot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. What if...what if hindi ko na kailangan pang balikan ang nakaraan kahit pa na mahal ko parin siya?"

BINABASA MO ANG
Loving Karma [COMPLETED]
RomanceHindi inakala ni Leo na makikita niyang muli si Karma Camille Reyes, ang ex-girlfriend niya. It's been three years since he last saw her, at marami na ang nagbago rito. Ang mataas nitong buhok noon ay maiksi na ngayon. And she was no longer the smil...