CHAPTER FIVE

451 17 0
                                    

KASALUKUYANG naiipit si Karma sa traffic ng tumunog ang cell phone niyang naka-connect sa car stereo sa pamamagitan ng Bluetooth. Nakita niya ang pangalan ni Gwen, isa sa mga ka-trabaho niya, sa console ng kanyang sasakyan.

"Yes, Gwen?"

"Hey, Karm. Pwede bang humingi ng pabor? Traffic kasi dito eh, may nagbanggaan na dalawang sasakyan at may client ako at one thirty." Sabi nito at napatingin siya sa kanyang relos. Five minutes na lang bago mag one thirty ng hapon. "Pwede bang ikaw na lang ang pumunta?" Narinig niyang sabi ni Gwen sa kabilang linya.

"Anong bang address ng client mo? Medyo traffic din kasi dito sa kinaroroonan ko."

Sinabi nito ang address, kasabay na lumuwag ang trapiko. "Okay, I'll handle it, Gwen. Nagkataong malapit lang ako." Aniya.

"Thank you, Karm. You're a lifesaver. Tatawagin ko lang ang client ko upang sabihin sa kanyang ikaw ang papalit sa akin. Salamat ulit, Karm."

"Yup, no problem."

A few seconds later ay tinatahak na niya ang daan patungo sa penthouse ng client ni Gwen. Matapos i-park ang sasakyan ay nagmamadali siyang umibis at halos tumakbo na siya patungo sa loob ng gusali. Late na kasi siya ng dalawang minuto. Worse, parang ang tagal pang umakyat ng elevator. Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas ngunit nang bumukas na ang elevator ay nakahinga siya ng maluwag.

Kumatok siya sa pinto, inayos niya ang kanyang sarili habang hinintay ang pagbukas niyon. At nang bumukas na ang pinto ay nalaglag ang panga niya. Si Chad kasi ang nakikita niya, 'yung isa sa mga groomsmen sa kasal nina Nicole at Enzo. Sa pagkakaalam niya ay best friend ito ni Enzo, pati si Zac. The Inseparable Trio nga ang tawag sa kanilang tatlo noong nasa kolehiyo pa sila. "Karma! Fancy meeting you here. Wait, ikaw ang papalit kay Miss Velez?" Nanlalaki ang mga mata na sabi nito.

Ngumiti siya at tumango. "Yeah, ako nga." Sabi niya nang makabawi sa pagkabigla.

Binuksan nitong lalo ang pinto, kasabay na lumawak ang pagkakangiti nito. "It's my lucky day, then. Tuloy ka." Wika nito at pumasok na siya sa loob. Unang napansin niya ay ang mga kagamitan sa loob ng penthouse. Simple lang ang mga kagamitan at hindi rin madami kaya hindi masikip. Pangalawa ay ang view na makikita sa labas ng malaking bintana niyon. Dahil walang mga skyscraper na nakahadlang, kitang-kita mula sa bintana ang siyudad.

"Nice place, Chad. Maganda itong penthouse na napili mo." Aniya.

"Well, hindi naman talaga 'to sa akin. Kay Leo ang penthouse na 'to actually kaya sa kanya mo sabihin 'yan." Nakangising wika nito.

Nanlaki ang mga mata ni Karma. "Teka, sinabi mo bang kay Leo ang penthouse na 'to?"

"Yup."

Kumabog ang dibdib niya. Ang unang pumasok sa isipan niya ay tumakbo palabas. Ngunit may parte ng utak niya na sumisigaw ng Client! Client! at dahil nalilito siya sa kung ano ang gagawin, nagparoon at parito na lamang siya. "Pero may penthouse na siya diba? Oh wait, dapat bumalik na siya ng Amerika. Doon na siya naninirahan ngayon diba?"

Nagkibit-balikat si Chad na waring hindi nito alintana ang pagpa-panic niya. "Sa pagkakaalam ko, ibinenta niya ang penthouse niya noon bago siya pumunta ng Amerika. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya bumabalik sa Amerika, siguro nami-miss lang niya ang Pinas. It's more fun in the Philippines, ika nga diba?" Tumawa ito ngunit hindi niya magawang makisali rito.

"That's ridiculous, paano ang trabaho niya doon?"

"As far as I know, isa sa mga big boss si Leo sa isang malaking kompanya sa U.S. I think it was McTech International. Isa raw ito sa mga pinagkakatiwalaang engineers dahil efficient itong magtrabaho."

Loving Karma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon