KANINA PA HINDI mapakali si Karma habang naghihintay siya sa pagbukas ng elevator. Paano kasi, ang kanyang client ay kapareho lang ng building ni Leo. It's been a week since she last set her foot on this building. May parte sa kanya na naghahangad na makita si Leo ngunit may parte rin na kinakabahan at natatakot sa muli na naman nilang pagkikita.
Simula nung pag-uusap nila ng kanyang ina ay nag-isip siya ng tatlong signs at kung magkatotoo ang mga iyon sa loob lang ng linggong ito ay bibigyan na niya ng isa pang pagkakataon si Leo. It was silly, she knew. Pero iyon na lang ang gagawin niya dahil talagang nahahati pa siya sa kung anong desisyon ang pipiliin. Ilang gabi na rin kasi siyang hindi nakakatulog. At kung makakatulog naman siya, palagi na lang sumusulpot si Leo sa panaginip niya.
Napakislot siya nang marinig ang pag-ding ng elevator bago iyon bumukas. Awtomatikong lumakas ang pagpintig ng puso niya ngunit nang makita niyang walang tao roon ay kumalma siya. Pumasok na siya sa loob at pinindot ang 'floor 1' sa panel. Habang naghihintay siyang makarating sa ibaba ay tsinek muna niya ang kanyang cell phone. Walang anumang texts o missed calls at napansin rin niyang twenty-three percent na ang battery life niya. Crap. Nakalimutan pa naman niya ang charger niya at ang power bank naman niya ay nandoon kay Brenna. Nakapagdesisyon siyang hindi na muna niya gagamitin masyado ang cell phone niya unless kung may importanteng tawag.
Muli niyang narinig ang pag-ding ng elevator. On reflex, inayos niya sa pagkakasabit mula sa kanyang balikat ang bag niya. Sa pagbukas ng elevator ay tumiwalag ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Standing outside the elevator was the gorgeous human being of six foot two that was Leo Ledesma. Halatang nabigla rin ito pagkakita sa kanya.
"Karma!"
"Um, hi." Really, Karma? 'Um, hi'?
Bago paman niya mapigilan ang sarili niya ay pinagmasdan niya ang kabuuan nito. He stood tall and proud, like he was very aware of his masculinity, though not in an arrogant way. His sleeves were rolled up to his elbows. Hindi na siya nagtaka roon dahil ganito talaga ito kung manamit. Ang talagang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi green ang kulay ng damit nito. Lahat ng klase ng berde ay paborito nito maliban na lang sa kulay orange na pinakaayaw nito. Kaya nga nagsalubong ang mga kilay niya dahil iyon ang kulay ng damit na suot nito.
Nang may maalala ay nanlaki ang kanyang mga mata at napasinghap siya. "First sign ay kung magsusuot ito ng damit na kulay orange." Parang um-echo ang mga salitang iyon sa utak niya. Oh, God. Kagabi pa nga lang niya inisip ang mga signs at 'eto na, nangyayari na ang isa.
"Hindi ko in-expect na makikita kita ulit rito." Wika nito dahilan upang kumurap siya. Noon lang niya napansin na nasa loob parin siya ng elevator.
Lumabas siya at nagbigay-daan para rito. "Oh, yeah. May client ako sa third floor. Si Miss Alemario? Kilala mo?"
Umiling ito. "No, I don't."
"Oh."
Katahimikan.
"A-Anyway, aalis na ako. Bye."
"Karma, wait." Pahabol nito nung nag-akma siyang tatalikod na. "Napakalakas ng ulan sa labas at mabagal ang daloy ng trapiko dahil sa tubig-baha. Kung susulong ka, baka ma-stranded ka lang sa daan. I suggest you stay here with me for a while habang hinihintay ang pagtila ng ulan."
Ilang segundo siyang hindi naka-imik. Tama ba ang narinig niya? Inanyayahan siya nitong magpalipas-oras muna sa penthouse nito? Sumikdo ang puso niya at parang nagdiwang yata ang buo niyang kalamnan.
"Er, um...thanks but no thanks." Sabi niya despite herself.
"Trust me, Karm sobrang lakas ng ulan. Ipinagpaliban ko na nga lang ang lakad ko. I hate to say this but you're stuck here for the moment."
BINABASA MO ANG
Loving Karma [COMPLETED]
RomanceHindi inakala ni Leo na makikita niyang muli si Karma Camille Reyes, ang ex-girlfriend niya. It's been three years since he last saw her, at marami na ang nagbago rito. Ang mataas nitong buhok noon ay maiksi na ngayon. And she was no longer the smil...