Things keep on running in my mind. It reminds me on how worthless and useless I am. Akala ko sa pag lipas ng panahon sa wakas makikita ko narin ang halaga ko at kung bakit ako nabubuhay sa mundo. Pero kahit ano atang gawin ko magiging pabigat lang ako palagi
Nabuhay lang ata ako para maging pabigat sa mga taong malalapit sakin. Tinignan ko ang shot glass na kanina ko pa tinitignan. Imiikot na ang paningin ko. Hindi ko alam kung lasing na ba ako dahil ito ang unang beses ko na nag punta sa ganitong lugar. Puno ng tao at lahat sila ay hindi ko kilala. Hindi ko alam kung nahihilo ba ako dahil sa iniinom ko o dahil sa alon ng taong sumasayaw. Nakakahilo pala silang tinitignan
Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang sarili ko. Namamanhid na ako. Hindi narin ako makaiyak dahil sa sobrang nakakamanhid. Wala narin siguro akong pakielam kung may manakit man sakin dito
I am physically weak. I am weak without my body guards around. I tried to hide my weakness in the coldness of my voice, in my intelligence and most specially in my family name.
I rest my head back in frustration when I remember that I can't even walk alone without my body guards. At ngayon umiinom ako na hindi iniisip kung anong pwedeng mangyari sakin.
Gusto ko lang tumakbo sa lahat lahat. Ayoko ng maging pabigat sa kanilang lahat. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari. Kung hindi sana ako madaling nag tiwala.
Iniwan ko na ang bar na iyon. Para akong hindi makahinga dahil habang gumagabi ay mas lalong napupuno ang tao doon. Halos hindi ko na namalayan kung gano na ba kadami ang nainom ko. Ngayon alam ko nang lasing na talaga ako pero kahit na ganon sumasakit parin ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung nasan na ako dahil umaalon alon ang daan. Gusto ko rin namang makalayo kaya ayos lang kahit mawala ako. Hindi ko rin naman ata mahahanap ang sarili ko.
"I will be lost forever" tanging buong ko sa sarili ko. Para akong baliw na nag lalakad habang nakapikit. Nakangiti ako pero yung puso ko kumikirot. Gusto kong umiyak para kahit papano mabawasan ang sakit pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko
"I want to die--" isang tunog ang napagpatigil saking mag lakad. Unti unti kong dinilat ang mata ko at hindi ko mapigilan ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang kotse na halos isang pulgada lamang ang layo sakin. Be careful what you wish for is damn true
Isang lalaki ang galit galit na lumabas sa kotseng iyon. Halos masira ang pintuan ng kotse niya sa pag kakabukas niya. Hinarap niya ako. Galit na galit ang mata niya at malalim ang pag hinga niya samantalang ako parang tuod na nakatingin lamang sa kanya. He is amazingly handsome. I laugh to myself when I realize that I don't have time for boys and I am wishing to die by the way.
"What the hell are you doing, Miss? Gusto mo bang mag pakamatay?" galit na galit na tanong niya. Now he just mention about dying. I didn't answer him, Only staring at his intense glare
"Kung mag papakamatay ka wag mo akong idamay. Mag pakamatay ka sa doon sa walang makakaalam para di ka maging pabigat" galit na galit siya. Napauko nalang ako. Kahit sa hindi ko kilala ay nagiging pabigat ako paano pa kaya sa mga malalapit sakin. I hate my life
"Tatandaan ko yan" mahina kong sabi at dahan dahang tumango
"What?!" hindi makapaniwalang sabi niya. Tumingin ako sa kanya. I don't know why my tears suddenly fell as I look at him
"Salamat sa suggestion mo. You are right, thats better" ang sakit pala kapag ibang tao na ang nag sabi ng katotohanan. Mas masakit parang naging totoo yung mga bagay na iniiwasan ko. Parang hinihintay ko lang talaga na may mag sabi sakin ng mga bagay na yun para tuluyan na akong bumigay
Kunot noong nakatingin lamang siya sakin tila pinoproseso ang mga sinabi ko. Umiling ako at tumalikod na sa kanya. Hindi ko na sasayangin pa ang oras niya. Mashado na akong naging abala sa gabi niya
"Miss--" hahakbang palang sana akong ng biglang naramdaman ko ang pang hihina ng katawan ko at bigla na lamang akong bumagsak sa malamig na semento. I'm freaking tired of everything. I just want to sleep.... forever