Chapter 5
Hinarap agad ni Toni si Vincent pag kalabas na pagkalabas ni Lea sa pinto. She's furious as she looked at Vincent, who is now comfortably sitting on his single sofa. Madilim at malamim ang nga mata nito habang naka tingin sa kapeng nasa harap niya kanina pa. Pinahanda niya iyon noong inaya niyang mag usap silang tatlo nila Kara sa kanyang opisina.
Ayaw niya ba ng kape? Umiling na lamang siya sa naisip at napatingin kay Toni nang maramdaman niya ulit ang presensya nito. Para na itong sasabog sa galit lalo na ng hindi siya napansin ng binata.
"What was that, Vincent?" sigaw ng dalaga sa kanya. Galit na galit ito at parang gusto ng umiyak dahil sa mga namumuong luha sa mga mata nito. Alam na alam niya kung bakit ganito na lamang kagalit si Toni. Hindi kapanipaniwala pero nangyari talaga
"Making friends" kalamadong sagot ng binata kaya mas lalong nagalit si Toni.
"Isipin mo ulit kung bakit ka nandito, Vincent Fortunato, you are not here to make friends nor to have a freaking love relationship. You are just here for one damn reason" hindi mapigilan ni Toni ang kanyang mga pagsigaw. Hindi na niya maikalma ang sariling damdamin. Kapag talaga pag dating sa kanya hindi niya mapigilan ang galit
"I know that" kalmado parin si Vincent, hindi nag papaapekto sa galit na nakikita niya sa dalaga
"Yun naman pala eh. Ano yung nakita ko kanina? Why your eyes looks caring and soft while looking at her?" she's mad and deeply hurt. Her voice cracked. She immediately wipe away the tears falling down on her eyes.
"I told her I like her, Toni" malamig na sabi ni Vincent. Marahas na napasinghap ang dalaga dahil sa sinabi ni Vincent.
"You didn't even think of me while you're telling her that? Ano nalang mararamdaman ko? Kaibigan siya ng taong gusto kong mag hirap, JV" mararamdaman ang sakit sa bawat salitang sinasabi nito. Hindi na napigilan ang mga luha sa mata ng dalaga. After all those years kailan man ay hindi nakalimot si Toni at sa tingin niya ay hindi na niya ito makakalimutan pa.
"Skip Lea. Wala siyang alam sa gulo niyo" hindi parin nag babago ang lamig sa boses nito. Sumimsim siya ng kape sa harap niya. Bilang lang sa daliri niya kung ilang beses lang niya nakitang umiyak ng ganito ang dalaga at sa bawat iyak na yun iisa lang ang dahilan. Wala paring pinag bago
"No! I will destroy everyone close to her--" napatigil siya sa pag sasalita dahil sa lakas ng pag kakababa ng binata sa baso ng kape nito. Naging mapanganib ang mga mata nito.
"Don't you dare, Toni, baka ikaw ang madurog ko" malalim at matalim ang boses nito. The usual JV Fortunato. The voice that can make everyone tremble in fear. Pero naging matigas si Toni kahit kinakaban siya mas nangibabaw ang sakit at galit sa kanya.
"I forbid you to like someone specially Lea. And that's an order, Mr. Fortunato" matapang na sabi Toni. Nag karoon pa siya ng lakas ng loob na salubungin ang mga tingun nito. Pero kung sa ibang pag kakataon ay aaring bumitaw na siya at hinayaan ang binata. Iba ang araw na ito, her anger is consuming her. Nagagawa niya ang mga bagay ng hindi nag iisip
"I refuse to obey, Ms. Gadiana. I'm not under you" umigting ang panga ng binata habang malamig na sinasabi iyon
"No! You are going to do what I say" parang kulog ang boses ni Toni dahil sa galit. Pag dating talaga sa taong iyon ay hindi niya kayang itago ang emosyon niya. When the topic is that person, you can easily see her soul.
"I will do whatever the hell I want, Gadiana, kayang kaya kong tapusin ang simpleng mission na yun" unti unti naring naiinis si Vincent. Gustuhin man niyang wag patulan ang dalaga pero ito ang bagay na hindi niya hahayaang makontrol ng kung sino mang tao
