CHAPTER 6

56 10 10
                                        

Chapter 6

Medyo malapit lang naman ang school sa condo ni Lourdes pero bakit di parin kami nakakarating sa school? Gustong gusto ko ng umalis at hindi na maramdaman ang presensya niya malapit sakin pero parang dumoble ang haba ng byahe ko dahil kasama ko si sir.

"Sorry kay Toni kahapon" agad akong napaayos ng upo nang marinig ko ang mababang boses niya. Mabilis ko siyang sinulyapan at agad ulit na tumingin sa labas. I really can't hold a stare on him.

"Ayos lang" mahina kong sabi pero alam ko namang rinig niya iyon. Baka pumiyok ako kapag nilakasan ko. Mashado na akong napapahiya sa harap niya dahil sa mga inaakto ko

"Hindi ayos sakin yun" napapikit ako ng madiin nung marinig ko ang pag aalala sa boses nito. Nang idilat ko ang mga mata ko nakita ko siyang seryoso parin na nalatingin sa daan. My heart can't stop racing as I look to his perfect face. Kapag tinitignan ko siya ng hindi siya nakatingin sakin bumibilis yung tibok ng puso ko parang akong nakakita ng magandang tanawin pero kapag naman tinitignan niya ako para akong nababato sa kinalalagyan ko. Parang hindi na ako magiging comfortable kapag malapit ito sakin.

"Wag mo nalang isipin yung sinabi niya" sabi niya nung wala siyang narinig na sagot saakin. Sumulyap pa ito sakin kaya agad akong umiwas ng tingin. Tumango ako

"Hindi ko naman iyon iniisip yun. Alam ko namang nag seselos lang siya" fudge I did not sound bitter, right? I did pretend naturally. Gulat siyang napatingin sakin. Nag katitigan kami ng saglit at para akong matutunaw nang makita ko siyang unti unting ngumisi at kasunod nun ang mahinang pag tawa.

"Tama ka. Nag seselos nga siya" natatawa parin nitong sabi at hininto na ang sasakyan.  Hindi ko alam kung maiinis ba ako kasi parang bumilis yung takbo ng oras simula nung nag usap kami. Kumunot ang noo ko. So totoo nga. May namamagitan sa kanila pero bakit parang baliwala lang ito sa kanya

Nang makita ko siyang lumabas na agad agad rin akong lumabas at sinundan siya. Gusto kong ikumpirma sa kanya kung totoo ba ang hinala ko pero katulad ng dati hindi ako makapag salita.

"P-Punta na ako sa classroom" lakas loob kong sabi sa kanya. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko

"Sabay na tayo" sagot nito sakin

"Hindi na--" pigil ko pa dito. I heard him hissed and pull me. Pinag titinginan tuloy kami ng mga ibang students. Nakarinig pa ako ng bulong bulungan. Sanay na ako sa bulong bulungan nila pero hindi ganito ang dahilan. Pano pag nalaman 'to ni Toni. Hayst bat kasi kapag tumatanggi ako mas lalo siyang nag pupumilit. Katulad nalang ngayon na pinipilit kong kunin sa kanya ang pulso ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak nito sakin.

Binitiwan lamang niya ako nung makapasok na kami sa office niya. Pumunta agad siya sa lamesa niya at may inaayos doon.

"Bakit mo ginawa yun?" I'm still on shock while looking at him and while holding the wrist he held.

"I hate it when you're saying no to me" malamig na sabi sakin nito. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko ito sa harap ko.

"Wala akong balak mag yes sayo" sht ngayon lang ako nakapag salita ng harap harapan sa kanya. Parang achievement ito para sakin. Kunwari hindi nanginginig ang mga binti ko, kunwari hindi ako natutunaw sa mga tingin niya.

"Alam ko" may mapag larong ngisi ito sa mga labi niya at mas lalong nilapit ang mukha niya sakin "Pero pano yun, Lea, ako lang ang makakasama mo buong araw sa tatlong araw" pinalungkot nito ang boses niya pero agad nanamang ngumiti. Napanganga nalang ako sa kanya. Bakit ang ganda ng ngiti niya?

"A-Anong buong araw? School hours lang" kahit kabado ay sinagot ko parin siya. Hindi pwedeng lagi akong natutulala sa harap niya

"Ay hindi ko pa pala nasasabi sayo" sabi niya at lumayo sakin. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Teka anong sasabihin niya?

The Perfect FakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon