Chapter 8
Maganda ang naging gising ko kinabukasan. Pinatulog ako ni Sir Vincent sa kwarto niya habang siya naman ay hindi ko alam kung saan natulog.
Ayoko pa sanang bumangon dahil ang komportable sa higaan ni sir at sarap pang amuyin ng mga unan niya pero kailangan ko paring pumasok. Kaming dalawa ni Sir Vincent.
Lumabas na ako sa kwarto niya para mag handa ng almusal nang makita ko si Sir na natutulog sa sofa. Mahaba naman ang sofa pero lumalampas parin ang paa nito dito. Nakakunot noo itong matulog hindi tulad ng iba na payapa kapag natutulog. Si Sir Vincent parang pati sa pag tulog niya ay sinusundan siya ng problema pero kahit na ganon hindi parin kumukupas ang gandang lalaki nito. Inikot ko muna ang mata ko, kinakabahan na baka may nakatingin o may mga cctv sa paligid. Nung nasigurado kong wala naman ay dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya para mabigyan ang sarili ko ng mas maayos na tanawin.
tanawin? Eh bahala na
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa expression ng mukha niya. Sa pag tulog ko lang pala ito makikitang iritable. Lagi kasi itong may malokong ingisi sakin at parang laging nag bibiro. At kagabi ko lang rin itong nakitang nababahala at halos hindi na makangiti. Ano kayang iniisip nito kagabi at ganoon nalang ang pag kabahala na makikita sa mukha niya. Ikaw na si Lea ngayon, Hera, hindi mo na malalaman lahat kung hindi siya kusang mag sasabi sayo.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa isang linggo na makakasama ko siya. May parte sakin na gusto pa siyang makilala. Mahina akong napatawa dahil sa mga naiisip ko. Ito ata yung unang pag kakataon na may gusto akong makilala na walang kinalaman sa pamilya ko o sa Empire. Huminga ako ng malamin at iniwas na ang tingin ko sa kanya. I could stare at him all day pero hindi ko naman mababasa ang isip niya kahit anong titig ko sa kanya.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina niya. May natira pang kanin sa sinaing ko kagabi kaya nag luto nalang ako ng fried rice at itlog. Binuksan ko ang pagkalaki laki niyang refrigerator at sa dinami-dami ng laman noon, walang hot dog dito. Gusto ko sanang iyon nalang ang lutuin para mas madali at anong oras narin.
"Looking for something?" napatigil ako sa pag hahanap at humarap sa lalaking nag tanong sakin. Gising na siya. Hindi rin nag tagal ang pag tingin ko sa kanya kasi nag bibihis siya sa harap ko.
"Hot dogs" sagot ko dito at nag kunwari nalang na nag hahanap parin ako.
"I don't like process foods" ang lamig ng pag kakasabi niya dito. Kumuha na ng siya ng plato at kutsara para saming dalawa
"Hmm ok na ba yan?" tanong ko at tumingin sa pag kain na niluto ko. At dahil din kahit papano ay gusto ko siyang mag salita.
"Yeah" maikling sagot niya. Okay? hahayaan ko na muna siya. Siguro ay may hindi magandang nangyari kagabi.
Habang kumakain kami ay tahimik parin siya. I wonder what happen last night and he was so quite. Nagagalit siya pero hindi naman siya tumatahimik kaya nakakapagtaka.
"Sa kwarto na ako ni Lourdes mag bibihis" sabi ko sa kanya bilang paalam. Tumigil siya sa pag bubukas ng pinto at nakita ko siyang bumuntong hininga muna.
"Mag kita tayo sa parking lot in 20 minutes" utos nito sakin at dumiretso na siya sa kwarto niya. Napailing nalang ako at lumabas sa condo niya.
Habang nag aayos ako ng sarili hindi ko parin maalis siya maalis sa isip ko. Kailangan ko pang sanayin yung sarili ko na mawalan ng paki sa mga taong nasa paligid ko. Saglit akong napatigil sa pag iisip dahil nagulat rin ako sa pumasok sa isip ko. Parang biglang sumakit yung ulo ko. Kailan ba ako nagkaroon ng paki sa iba simula nung umalis ako sa Empire? Kahit kay Lourdes at Ella hindi naman ako nag karoon ng interest kahit na alam kong marami silang tinatago.
