Chapter 7
Napakiusapan ko pa naman si sir patungkol sa mga condition na sinasabi niya. Siguradong hindi na mag babago ang isip niya pero sinigurado ko ring mas papagaanin niya ang naging parusa niya sakin.
At ngayon nga dahil wala siyang natanggap na halik mula sakin, nandito ako ngayon sa condo niya at pinag lulutuan siya. Malapit lang rin naman ito sa condo ni Lourdes kaya kapag umalis siya pwede rin naman na akong lumipat doon sa condo ni Lourdes. Ang sabi niya ay gabi gabi rin naman siyang umaalis dito at halos hating gabi na kung umuuwi. Wala naman sigurong problema doon kasi hindi ko naman na siya makikita pa pag katapos sa school.
Nabawasan rin ang dapat na araw ko dito sa bahay niya tatlong araw lang imbis na isang linggo at sa tatlong araw na yun hindi muna ako mag tatrabaho sa coffee shop. Buti na nga lang ay napilit ko siya na hindi pa pahabain yung parusa ko sa kanya.
"Tapos na" deklara ko at pinatay na ang kalan. Kanina pa siya nakatayo sa tabi ko at pinapanood yung pag luluto ko. Nakatingin lang siya sa niluto ko kahit na nag aayos na ako ng plato. Hindi parin siya gumagalaw
"Hindi mo ba gusto ang niluto ko?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Nakita ko siyang umiling at saka nakangiting nilingon ako.
"Gusto kita" halos tumigil ang mundo ko nung marinig ko ang sagot niya sakin. Pabulong na yung huling salita na sinabi niya na parang hindi dapat talaga ipaparinig sakin pero hindi parin yun nakaligtas sa pandinig ko. Why is he keep on saying he likes me eh pakiramdam ko hindi naman talaga.
Napailing nalang ako at pumunta nalang sa niluto kong sinigang na baboy para kunuha ng uulamin namin. Hindi ko na pinansin ang pag titig nito sakin hanggang sa makaupo na ako sa upuan. Di rin naman nag tagal ay sumunod narin siya.
Kakaiba ang kinikilos niya ngayon dahil hindi na siya mashadong nag sasalita simula nung nag luto ako para bang marami siyang iniisip. Nag simula na kaming kumain. Seryoso lamang siya habang kumakain pero kapag nag kakatitigan kami bigla siyang ngumingiti.
Natapos na kaming kumain ng hindi mashadong nag kikibuan. Hindi rin naman siya nag salita. Ayoko rin naman siyang tanungin dahil alam kong hindi siya mag sasabi sakin. Nakikita ko rin minsan sa kanya ang ugali ng mga Empire kaya alam ko kung kaya ba nilang sabihin o hindi.
Habang nag huhugas ang plato ay nagulat ako nung may kamay sa buhok ko at tinatalian iyon. Ang gaan ng kamay niya habang dahan dahang tinatalian ang buhok ko.
"Masarap yung niluto mo" halos bulong lang rin iyon pero napangiti ako dahil doon. Akala ko hindi na niya masasabi iyon dahil marami siyang iniisip.
"Salamat. Natuto akong mag luto dahil ako nalang ang mag isa sa buhay" ok? I just feel like talking. Bakit kasi ang tahimik niya ngayon? Pakiramdam ko tuloy gusto kong mag salita ng mag salita. Hindi ito ngumingisi gaya ng nakagawian niya at mag sasalita lang kapag tinanong.
Hanggang sa matapos kaming kumain hindi na ulit siya nag salita. Kahit nag huhugas ako ng pinag kainan nandoon lang siya nakaupo parin habang malalim akong tinitignan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at humarap sa kanya. Pinunasan ko muna ang kamay ko bago lumapit sa kanya.
"Sir Vincent" inagaw ko ang pansin nito
"Lea" mahinang tawag niya sa pangalan ko. Nakakapag taka dahil sobrang lalim ng iniisip nito.
"Aalis ako pero bukas ng maaga nandito na ako kaya wag kang aalis" bilin nito sakin na parang hindi siya natulala kanina.
"Sige. Ingat ka" sabi ko dito ng hindi pinapahalata ang lungkot doon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil hindi niya ako mashadong kinibo ngayon. Pabagsak akong umupo sa sofa at sunundan lang siya ng tingin habang nag susuot siya jacket niya.
Gusto ko siyang pigilan dahil parang hindi tama yung nang yayari. Pinapunta niya ako dito tapos hindi niya ako papansinin.
"Ang lalim ng iniisip mo" sinimulan kong makipag usap sa kanya. Hindi ako sanay na hindi ko nalalaman ang mga bagay na nag papagulo sa isip ko. Nakukuha ko ang impormasyong gusto ko kahit sa pinakamahirap na paraan pero ngayon wala akong materyasel para roon. Hindi na ito tulad ng dati. Kung dati ay walang sikretong natatago sakin ngayon ay tila bumaliktad na ang lahat.
"Babalik ako bukas" yun lang ang sinabi nito at tuluyan ng lumabas. Nagiging comfortable na ako dito pero nagagawa ko narining mainis sa kanya.
Hindi ko mashadong napapansin ang ugali nito ng nakaraang araw dahil mashado pa akong kabado sa presensya nito pero ngayon nakakainis na. Akala niya ba may maabutan siya dito pag balik niya bukas ng umaga. Subukan lang niya dagdagan pa ang parusa ko sa kanya at wala narin siyang kapangyarihan sakin ngayon dahil hindi ko naman na siya teacher.
Nag libot libot muna ako sa condo niya at kapansin pansin na ang lahat ng gamit niya ay bago. Bago lang pala siya dito. Simula sa mga utensils at sa sofa. Iisa lang ang kwarto at yun ata ang kwarto niya kaya hindi na ako sumubok pasukin iyon. Ayoko.
Humiga ako muna ako sa sofa habang nag hihintay ng oras. 10pm palang ngayon ang plano ko mga 11pm ay aalis na para doon matulog kay Lourdes. Alam kong mag kalapit lang naman ito pero kasi ininis niya ako ngayon kaya siya naman ang iinisin ko bukas ng umaga.
Habang nag hihintay hindi ko maiwasang isipin ang mga taong naiwan ko sa Empire. Nakakamiss rin pala. Pero sila, base sa kwento ni Kara, siguro ay hindi na nila ako iniisip at malamang ay lahat sila ay galit sakin. Tama lang ang desisyon kong umalis nalang. Hindi ko kayang tignan sila. Hindi ko kayang makita ang galit sa mga mata nila.
Napapikit ako dahil sa sobrang inis ko sa sarili ko. Mashado akong nag tiwala sa sarili ko. Dahil may mas tiwala sila sakin, ako ang pinaniwalaan nila at binigo ko sila. I welcomed a traitor in our empire. Ako ang dahilan kung bakit marami ang nawalan ng buhay.
"Lea" napabikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malalim na boses ng isang lalaki.
"Sir Vincent" gulat kong tawag sa kanya pero mas lalo akong nagulat nung makita kong nakaupo na siya sa carpet at sa harap ko mismo. How? I didn't hear his footsteps, not even the sound of the door.
"I-I like you" napayuko ito nang sabihin niya iyon. Mukhang malalim parin ang iniisip nito at mas nadagdagan pa ata ito kesa kanina.
"Sir Vincent" yun nalang ang nasabi ko dahil sa gulat. Kinuha niya ang dalawang binti ko at niyakap iyon. Para akong hihimatayin sa sobrang gulat. Nilagay niya pa ang noo niya sa mga tuhod ko. Hindi ako makagalaw hindi lang dahil sa gulat dahil rin ayokong magalaw man lang siya.
"Can I like you, Lea?" Pag hihingi nito ng permiso ko. Hindi tulad ng mga nakaraan na siya ang nag dedesisyon para sakin. Hindi nanaman ako nakapag salita.
"Can we stay this close in a week? Kahit ngayong linggo lang" may pag mamakaawa sa boses nito. Parang may bara sa lalamunan ko at hindi ako makapag salita. Hindi ko rin alam kung bakit kung umakto siya ay parang matagal na niya akong kilala. Wala akong kaide-ideya kung bakit ganito ang kinikilos niya.
Basta ngayon ayokong um-oo hindi dahil sa hindi ko siya gustong makasama rin ng ganito kundi dahil pakiramdam ko aalis na siya pag katapos ng isang linggo na ito. Ayokong mangyari iyon. Kung hindi ba ako papayag hindi na siya aalis? O kung hindi ako papayag mas mapapaaga ang pag alis niya. Sa kahit anong pag pipilian na yun aalis parin naman siya.
Sa ibang tao kapag nag papahiwatig na ang taong gusto nila na aalis na ito, mas pipiliin nila ang manatili sa tabi nito pero sakin gusto ko nalang lumayo. Ayokong madagdagan yung masasayang alaala dahil mahirap kalimutan yun pag nawala na yung tao.
"Please, Lea" pag susumamo nito. Napatingin ako sa mata niya at isang pag kakamali iyon dahil para akong nahihipnotismo sa mga tingin niya sakin. Wala sa sariling napatango ako.
Kitang kita ko ang pag liwanag ng mukha niya na para bang nakahinga na siya ng maluwag at mas lalo pang hinigpitan ang pag kakayakap sa binti ko.
Inilagay ko ang kamay ko sa malambot nitong buhok at sinuklay ito. Napahinto ito kaya ay napatigil rin ako. Aalisin ko na sana ang kamay ko pero bago ko pa ito maalis ay nag relax na ang katawan niya kaya patuloy lang ako sa pag suklay dito.
Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya. At sa mga oras na yun parang hindi ko na inisip kung anong mangyayari sa mga susunod pang araw o sa pag dating ng pag tatapos ng linggong ito. Basta ayoko lang ulit na makita ang lungkot sa mga mata nito gaya ng kanina. Nalulungkot rin ako.
🥀
