CHAPTER 9

25 8 11
                                        

Chapter 9

March 26, 2018

'Ang init'

Ito lang yung nasa isip ni Lourdes habang nakatingin sa langit. She's wearing her hoodie jacket and didn't seem to care about the heat of the day. Nakaupo lang siya sa ilalim ng malaking puno, nag iisip ng malalim. Wala namang bago sa ginagawa niya. Nakasanayan na niyang umupo sa parehong puno sa likod ng school na pinapasukan niya. Parang gubat na doon kaya sobrang onti lang na istudyante ang nag babalak pumasok doon. Ang sabi sabi ay mag papatayo raw ng bagong building dito pag tapos ng school year na ito.  

Malapit na mag tapos ang klase kaya wala na sila mashadong ginagawa kaya imbis na manatili sa classroom ay pumunta siya dito. Pumikit siya at dinama ang hanging tumatama sa balat ng kanyang mukha. She could stay under that tree for life. 

She suddenly opened her eyes when she heard a loud sigh. There is someone on the other side of the tree. Agad na nag taka si Lourdes dahil nasa medyo malayo narin siyang bahagi ng gubat pero meron paring tao bukod sa kanya ang pumunta dito. Saglit muna siyang tumingin sa langit at sa paligid niya. 

Tama na siguro ang pag papahinga niya ngayong araw. Nag desisyon na siyang bumalik sa classroom nila kaya naman tumayo na siya at pinagpagan ang damit na nakapitan na ng lupa. Akmang aalis na siya nang naramdaman niyang may bumato sa likod niya. Hindi naman iyon malakas dahil maliit na bato lang ang ginamit na pambato sa kanya, sapat na iyon para mapalingon siya. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa kabilang bahagi ng puno kung saan siya nakaupo kanina. Pinaglalaruan lang nito ang pocket knife na hawak hawak niya.

"Who are you?" nagulat si Lourdes dahil sa lamig ng boses nito kaya hindi agad siya makasagot sa tanong nito.

"Not everyone has the courage to come here pero ikaw nagagawa mo pang matulog dito" nakangisi nitong sabi habang pinag lalaruan parin ang pocket knife na para bang sanay na sanay na. Huminga muna ng malalim si Lourdes bago mag salita.

"I'm not sleeping, I just closed my eyes" sagot niya sa babaeng kumausap sa kanya. Nakita niyang mas lalong napangisi ang babae at sa unang pag kakataon, humarap ang babae sa kanya at sa hindi inaasahang pangyayari nahulog ng babae ang pocket knife niya kasunod noon ang pagpatak ng dugo nito sa lupa.

 --

Lea's POV

"Lourdes" sobrang hina ng pagkakatawag ko sa pangalan niya kahit sarili kong boses ay hindi ko maring. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa nakikita ko. Lourdes is holding a pocket knife. Umiiyak lang siya habang nakatingin dito. Sariwa pa ang dugong nasa kamay niya at sa kutsilyong hawak nito.

Agad akong nataranta nang hawakan ni Lourdes ang matulis na bahagi ng kutsilyo gamit lang ang mga kamay nito at binalak na putulin ang kutsilyo sa ganoong paraan. Tumakbo agad ako sa kanya at inagaw ang pocket knife. Agad ko rin iyong tinapon kung saan nang naagaw ko iyon sa kanya. Nag halo na ang dugo niya at ni Toni sa mga kamay niya.

"What the fck, Lourdes" my voice is finally back at sa unang pag kakataon nasigawan ko siya. Hindi ito nag iisip habang sinusubukan nitong baliin ang pocket knife na 'yon. Wala akong alam sa kung ano na ang nangyayari pero hindi ko inaasahan kay Lourdes na hindi siya mag iisip sa mga oras na ganito. 

"Lea, she tried to kill herself" her voice is quivering. Hindi siya makapag salita ng maayos. She's holding my shoulders and keep saying the words "She tried to kill herself" na parang iyon lang ang pumapasok sa isip niya sa mga oras na 'to. 

At sa mga oras narin na iyon, hindi ako makapagsalita. Wala akong alam kung bakit nangyayari ito at hindi ko rin alam kung anong dapat sabihin. There is a lot to ask at alam kong may kinalaman rin ito sayo. Natauhan nalang ako mula sa pag kakatulala ko nang may humihila na kay Lourdes palabas ng rooftop. Tatlong lalaking naka itim at mga wala itong awa sa marahas paghila nila kay Lourdes. 

The Perfect FakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon