Chapter8 - Regrets

23 2 0
                                    

Chapter8 - Regrets

Kumakain na kami ngayon. Walang umiimik ni isa. Argh! Nabibingi ako -.-

"Hello?!" napatingin sila sakin. "Anong meron?" nakita ko sa mukha nila ang pagtataka

"Anong, anong meron?" kunot-noong tanong sakin ni Kyungsoo

"Ang tahimik niyo. Hindi ako sanay." bigla naman silang natawa. ok, out of place ako dito.

"Napansin mo pala? Haha" - Kai

"Hindi ko nga napansin eh, kaya ako nagtanong kung anong meron. Tss!" yan nanaman. Nagsusungit nanaman ako. Kasi naman eh!

"Sunny! May napkin ka ba? Bigyan mo si Taeyeon. Nagsusungit na eh. HAHAHA" oh sh*t! Nakakahiya ung sinabi ni Suho. Bnatukan ko nga. Katabi ko nman eh.

"Aray! Joke lang naman Tae. Haha. Ang sungit mo kasi lagi eh. Hindi ba humihinto PMS mo? Haha!" bnatukan ko nanaman siya. Pero mas malakas na ngayon

"Whtvr! Bahala na nga kayo jan!" nilakasan ko ang pagbagsak ng kutsara't tinidor sa plato ko at nag-walk out! Nakakainis siya. Nahihiya na tuloy ako =.=

Naglalakad-lakad ulit ako sa tabing dagat at humanap ng spot na pwedeng upuan. Nakaupo lang ako dun at tinitignan ang mga bitwin.

"HOY!"

"Ay! Tokwang Tofu!" napasigaw ako. bigla kasing may nanggulat sakin eh.

"Ay, sorry. Nagulat ba kita?" nagtanong pa?!

"Hindi! Kaya nga ako napasigaw sa bigla eh, kasi hindi ako nagulat." nagtataray nanaman ako. Ano ba kasing problema ng mga tao ngayon at ang hilig mang-inis? -_-

"Sorry." napayuko siya

"No, it's ok. Nabigla lang ako." ngumiti ako para kahit papaano mawala ung hiya niya sakin sa ginawa niya

"Sge. Pwede ba kitang tabihan?" sakto. Kailangan ko ng kausap.

"Oo naman. Kailangan ko din kasi ng kausap eh." umupo na siya sa tabi ko at nakatingin din siya sa mga bitwin.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman. Nainis lang kasi ako sa mga kasama ko sa beach house."

"Bakit? Anong nangyari?" hindi halatang chismoso siya ah. haha

"Kasi ganto un..........kaya un nag-walk out ako. Nainis ako eh. At nahiya na din." natawa siya sa kinwento ko. Ang gwapo niyang tignan. Parang may star sa mata niya pag tumatawa siya

"Halata ko nga din na masungit ka eh." ngumiti naman siya ngayon.

"Yan kasi ang ipinapakita ko sa lahat. Ang bad side ko." nginitian ko siya. Nakita ko naman sa mukha niya ung pagtataka. "Matapos kasi ung mga nangyari sakin nung bata ako, napilitan akong itago ung totoong ako."

"Naguguluhan ako." alam ko.

"Haha. wala un. Nevermind. Bakit pala nasa labas ka pa?" I changed the topic. Hindi ko pwedeng sabihin sakniya ang tungkol saakin. Hindi pa kami magkakilala at wala akong balak pagsabihan ng tungkol sa totoo kong pagkatao.

"Wala pa kasi ako sa loob kaya nasa labas pa ako. Haha!" pareho kaming tumawa sa sinabi niya.

"Nahawa ka na saakin ha!"

"Nakakahawa ka kasi eh." at muli, natawa lang kami.

"I'm happy." nagtaka siya sinabi ko. "Masaya ako na may napapangiti at napapatawa ako. Kasi un lang ang dahilan para maging masaya din ako." alam kong kanina pa siya naguguluhan sa mga sinasabi ko.

"Hindi mo kailangang magpasaya ng ibang tao para maging masaya ka din. Kailangan mong pasayahin ang sarili mo para maging masaya ang ibang tao para sayo."

Nakaramdam ako ng lungkot. Parang kilala niya ako, kung makapag-advice siya.

"Thank you." un nalang nasabi ko

"Alam mo ba, pag malungkot ako, tumitingin lang ako sa mga bitwin. Nakaka-relax kasi ung kislap at liwanag ng mga bitwin." I smiled. Tama naman siya dun. Pareho lang kami ng iniisip sa mga bitwin.

"I know. Pero lumalalim na ang gabi. Hehe. Mauna na ako ha? Baka kasi hinahanap na din ako ng mga kasama ko. Bye!" palakad na ako paalis, pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi ko pa alam ang pangalan mo Miss." ay oo nga pala. haha. kanina pa kami magkausap hindi pa namin kilala ang isa't-isa.

"I'm Taeyeon."

"I'm Ryeowook." inabot niya ang kamay niya para makipag-shake hands.

"Nice to meet you." palakad na ulit ako paalis pero hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Magpakatotoo ka. Masasaktan at magsisisi ka lang sa huli pag hindi mo yan ginawa." napako ako sa kinatatayuan ko. Tinitignan ko lang ang likod niya, palayo saakin.

Regrets? I won't.

Right Love At The Wrong Time [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon