Chapter9 - Life Saver
Hay. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ganun ang sinabi niya? Hindi namin kilala ang isa't-isa pero kung sabihin niya un, parang kilala na niya akong mabuti.
"Hoy babae!" Alam kong ako ang tinawag nung sumigaw. Pero hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa dagat. Nagmumuni-muni.
"Taeyeon, please talk to me. Ano bang problema mo?" pumikit ako. Huminga ng malalim. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. "Tae, kausapin mo naman ako."
Binukas ko ang mata ko. Tinignan ko siya, ang mga mata niya. Ilang taon. Ilang taon ko nang hindi natitigan ang mga mata niya simula ng maaksidente ako. Bumalik lahat ng nakaraan namin. Hindi ko namalayan pinupunasan ni Baekhyun ang luha sa mukha ko. Iniwas ko tuloy ang mukha ko, at tumingin ulit sa dagat.
"Uulitin ko, anong problema mo?" this time, tumayo na ako at aalis na sana pero hinigit niya ang kamay ko. Nakatalikod parin ako sakaniya. "Ayaw mo ba talagang sabihin saakin?" hindi ko parin siya sinagot. Hinihila ko ang kamay ko, pero mahigpit ang pagkaka-hawak niya.
"Bitawan mo ang kamay ko." mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko. Feeling ko mawawalan na ng dugo ang kamay ko sa sobrang higpit. "Sabi ko, bitawan mo ang kamay ko."
"Kung yan ang gusto mo." unti-unti na niyang binitawan ang kamay ko. Pero hindi ko inaasahang ganun niya ako kadali palayain sa kamay niya. Hindi man lang niya sinubukan ulit na pigilan ako. Naglakad na ako pero naluha nanaman ako. Medyo nakalayo na ako sakaniya pero patuloy parin sa pagpatak ang luha ko. "Bakit ka ba umiiyak taeyeon. Kasalanan mo rin naman eh. Sabi mo bitiwan niya kamay mo, ginawa lang naman niya ang sinabi mo!" para na akong baliw. Kausap ko sarili ko.
Napahinto nalang ako sa paglalakad ko nang may tatlong lalaking humarang sa daan ko. Lalagpasan ko na sana sila pero hinarang ako nung lalaking malaki ang katawan. Tinignan ko siya at bigla siyang nag-smirk. Oh no! Trouble again -.- Hinawakan nung dalawang tabatchoy ang braso ko, ung isa naman na humarang sakin kanina hinawakan ang mukha ko at akmang hahalikan na ako pero umiwas ako at sumigaw.
"Tulong! Tulungan niyo po akooo!" Ilang beses akong sumigaw pero walang nangyayari. Patuloy parin sa paghalik sakin ung lalaki at ako naman pilit kumakawala sa hawak nung dalawang baboy na 'to. Napahagulgol nalang ako sa pag-iyak nang bigla niyang punitin ang damit ko. Akmang hahalikan na niya ang dibdib ko nang may biglang humila at sumuntok sakaniya. Hindi ko makita kung sino, kasi ang labo na ng mata ko kaiiyak. Binitawan ako nung may hawak sakin kanina para makipag suntukan sa lumigtas sakin. Nakita kong natumba ung lumigtas sakin pero tumayo parin siya at sinusuntok at tinatadyakan niya ung tatlong manyak. Nakita kong may hawak na patalim ung isang tabatchoy na humawak sakin kanina, palapit siya sakin. Pinilit kong tumayo at tumakbo pero nadapa ako dahil sa sobrang panghihina ko at paglabo ng mata ko, pero naabutan niya ako.
"Sge! Lumaban ka pa, papatayin ko 'tong babaeng 'to!" natatakot na ako. Nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay ko. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Pero nakita kong binubugbog nila ung nagliligtas sakin. Wala na siyang magawa. Napahiga na siya sa sobrang panghihina. Bigla nalang nagtakbuhan ung tatlong manyak at naiwan kaming dalawa. Nilapitan ko siya.
"A-ayos ka lang ba?" tanong ko. Kahit na alam kong hindi siya ayos.
"Ayos lang ako. Ikaw? Sinaktan ka ba nila?" luminaw na ang paningin ko.
"R-Ryeowook? Salamat sa pagligtas mo saakin ha. Pasensya ka na sa nangyari. Nadamay ka pa tuloy. Tignan mo nangyari sayo. Halika dalhin kita sa resthouse namin." kinuha ko ang kamay niya at pilit inaalalayan siya. Pero napahinto siya. Tinanggal niya ang damit niya, nabigla ako. Akala ko kung ano na ang gagawin niya pero binigay niya ito sakin.
"I-isuot mo. Nakikita na ang katawan mo." ngayon ko lang naalala na pinunit pala ng walang hiyang lalaking un ang damit ko. Sinuot ko na un. At napansin kong puno ng pasa ang mukha at katawan niya. Naaawa ako sakaniya. Kung hindi dahil sakin, hindi 'to mangyayari sakaniya.
"Halika na. Dalhin na kita sa resthouse namin para magamot na kita agad." inalalayan ko na siya. Pahinto-hinto pa kami kasi pareho pa kaming naghihina.
Malapit na kami sa resthouse nang matumba kami kasi hindi namin nakita ung kahoy na nasa buhanginan. Napaibabaw tuloy ako sakaniya at nakapag-titigan kami. Ilang segundo kaming nagtitigan nang biglang...
"TAEYEON!!!" napatingin ako bigla sa tumawag sakin na palapit na saamin ngayon. Tumayo ako at inalalayan ko ulit siya.
"Sunny, tulungan mo naman akong ipasok siya sa loob." nasa kabila si Sunny at inaalalayan namin si Ryeowook papasok. Nasa may sala ung limang exo at nanunuod. Nasaan si Baekhyun? Hindi ko na muna siya inisip. Ang inintindi ko nalang si Ryeowook. Kailangan niyang magamot agad.
"Hoy! Kayong limang bitches jan!" napatingin samin ung lima.
"Bakit ganian ang suot mo Taeyeon?! At sino yang lalaking yan?!" bigla silang lumapit sakin. At hinila kaya medyo na-out of balance si Sunny at muntik ng matumba si Ryeowook.
"Ano ba. Kung tinulungan niyo nalang kaming ipunta siya sa sofa at tumawag kayo ng nurse edi nakatulong pa kayo!" at tinulungan naman nila kami. Pero si Suho umakyat sa taas. Nakaupo na si Ryeowook sa sofa at nagmadaling bumaba si Suho may dalang first aid kit.
"Eto, gamutin natin ang sugat mo. Ano bang nangyari ha?" kinuha na ni Suho ang band aid, cotton, betadine at mga dapat pang gamitin para sa paggamot kay Ryeowook.
"May tatlong manyak kasi na humarang sakin kanina at tinangka akong rape-in pero niligtas niya ako at siya naman ang nasaktan." hinila ako ni Sunny sa may kitchen, tabi ng hagdan papunta sa kwarto namin.
"Sino siya ha? Umamin ka Taeyeon!" ngumiti ako at tumingin kay Ryeowook.
"He's my...
life saver."
A/N: Hi guys! Sorry for the late update :)) Keep supporting guys :**
BINABASA MO ANG
Right Love At The Wrong Time [ON-GOING]
Short StoryA kind of love that is extra-ordinary. Ang Right love na inaasahan mong umabot hanggang dulo ay naging Wrong Love dahil sa Wrong Decision na ginawa mo na inakala mong iyon ang Right Decision.