Chapter 12

368 18 0
                                    

Chapter 12

Dumating si Channyl ng magla-lunch time na! She's with the unfamiliar girls! Apat sila!

Sinalubong naman siya nina Jeric at Donnie! I look at to Yohan, busy siya sa pagluluto at di man lang tinapunan ng tingin ang bagong dating!

"Hi Channyl! Akala namin hindi ka sasama!" Ani Danica! Natawa naman ito sabay tingin saakin!

"Pwede ba yun?!" Sabi nito sabay baling saakin at nginitian ako ng wagas!

"Happy Birthday, Allysoon! I'm so sorry for not attending yesterday! I was kinda busy!" Alanganin ko siyang ningitian at tumango nalang ako.

"Where's the others?!" Luminga-linga ito!

"Nasa dagat at yung iba naman nasa swimming pool!" Si Donnie na ang sumagot!

"Oh? Okay! Mag-aayos lang ako! Babalik din kami agad!" Tumango sila samantalang ako, tinitignan ang pag-alis nila! Hindi ko gusto ang tingin saakin ng mga kasama niya! Para bang sarcastic yung tingin nila saakin! Pinilig ko ang ulo ko! Nababaliw na ata ako!

Pagkatapos kumain ng lunch, sa villa na muna ako dumiritso! Gusto ko munang magpahinga!

Nahiga ako sa kama ko! I was just thinking na bakit sa ganito nauwi ang lahat! Isa lamang akong hamak na babae na hangad lang ay makapagtapos pero bakit sa biglaang pagpasok nila biglang gumulo ang sistema ko? Espcially to Yohan! Hindi naman kami magkaibigan pero bakit ganun ang pakikitungo niya saakin? Bakit bigla atang naging sweet siya saakin?

Broken hearted ako, pero bakit hindi ko na ramdam ang sakit na ibinigay ni John saakin?! Bakit biglang natanggap ko na ang lahat! At bakit ko hinayaang mahulog ng ganung kadali kay Yohan! I think, unti-unti na akong nagkakagusto sakanya! Hindi ko alam kung bakit! Hindi ko alam kung paano nagsimula!

Natatakot ako na baka tuluyan na akong mahulog, baka hindi niya ako saluhin! Mahuhulog ako ng durog at nasasaktan! At bakit ko naman iisipin na magkakagusto rin siya saakin?! Sa gwapo at yaman niyang yan? Magkakagusto sa mahirap at pangit na katulad ko? Napaka-impossible!

Hindi na muna ako lumabas hanggang sa dumilim na! Tinignan naman ako ng tatlo, nagpe-pretend nalang akong natutulog! Ngayon pa na inamin ko na sa sarili na may gusto ako kay Yohan? Ayoko na muna siyang makaharap!

"Ally? Wake up! Mag-di-dinner na tayo!" Naalimpungatan ako sa marahang pagyugyog saakin!

Iminulat ko ang mata ko at si Aica ang bumungad saakin! Medyo basa yung buhok niya!

"Oo, susunod na ako!" Ani ko dito!

"Sure ka ha?! Baka matutulog ka na naman!" Umiling ako sabay bangon! Lumabas na ito sa kwarto namin! Huminga ako ng malalim bago tumayo para mag-ayos ng sarili!

Naglalakad na ako papunta sa cottage namin! Andun na sila at masayang kumakain! Nang makalapit na ako, nakita ko si Yohan at Channyl na magkatabi! Ouch!

Sila talaga ang nauna kong nakita ha! Galing!

"Oh? Andyan na pala si Ally!" Ani Danica! Bumaling naman sila saakin!

"Kain na, Ally!" Binigyan ako ng plato ni Jeric, at siya na rin yung kumuha ng pagkain ko!

"Thanks!" Nag-umpisa na rin akong kumain! Nakita kong may mga nakatayo ng tent sa tabing dagat!

Pinilit kong hindi tignan ang nasa harap ko, dahil masasaktan lang ako! Charot! Pagkatapos naming kumain, nag-aya na sila Martina na maglaro! Sumang-ayon ang lahat maliban saakin! Babalik na lang ulit ako ng villa!

"Sasali ang lahat! Walang aayaw!" Sigaw ni Donnie! Walang aayaw pala ha!

"Oh san ka pupunta, Ally?" Tanong nito saakin, hinarangan pa talaga ako!

"Sa villa! Medyo masakit yung ulo ko eh!" Sana gumana naman!

"May gamot dyan! Uminom ka!" Ani Martina na ngayon ang nakataas ang kilay!

"Tumahimik ka kung ayaw mong lunurin kita sa dagat!" Sabi naman ni Aica dito! Sinamaan siya ng tingin ni Martina at di na ulit nagsalita!

"Sumali ka na, Ally!" Napabaling ako Channyl na siyang nagsabi! Nakita ko naman si Yohan na nasa tabi ko ngayon! Bigla na namang kumabog ang puso ko! Sht!!

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon