Chapter 31

479 15 0
                                    

Chapter 31

Ilang araw na rin ang nakalipas ng maka-adjust ako sa trabaho ko! Pumupunta din naman ako sa café-resto namin nina Regine! Pero hindi gaano ako nagtatagal doon dahil nga may trabaho na ako! Hindi na nagulat pa si Meshel ng sabihin kong may trabaho na ako at doon mismo ako nagtatrabaho sa Hotel na pagmamay-ari ni Yohan!

"Aics, bat di mo sinabing si Yohan pala yung may-ari nong nirekomend mong hotel!" Nagkibit-balikat ito at alanganing ngumiti!

"Sorry, Al!" Ani nito! Tumango na lang ako! Ngayon pa ba ako magagalit eh nandun na nga ako! Wala na ring saysay kung magagalit pa ako sa kanya!

"Sana hindi ka magalit saakin!" Ani nito na bahagyang nalungkot! Siniko ko siya ng mahina!

"Ano ka ba! Hindi no!" Ani ko sabay tawa, ngumiti na rin siya!

"Kumusta si Xian?" Tanong nito. Napangiti naman ako lalo.

"Okay na okay, lalo na't nasa bahay si Kuya Lloyd kasama si Nathan! May kalaro na yung bata!" Tumango-tango naman ito!

"I was planning for the birthday party of my son, kaya lang baka dumalo sila Yohan! I know, ayaw mong malaman niya kaya hindi na lang muna!" Tinaasan ko siya kilay!

"Bakit hindi! Give it to my inaanak! Give him a birthday party! Hindi ko na lang dadalhin yung bata, I know someday, malaya ko na siyang mailalabas! Ayoko muna ngayon! Lalo na't kay Yohan ako nagtatrabaho!" Tumango tango ito!

"Gustong gusto ko na siyang ilabas, naaawa na rin ako sa bata. Parang ipinagkakait ko sa kanya ang kalayaan niya! Ayoko lang naman na maging kumplikado ang lahat!" Tumango ulit ito!

"Kain tayo guy's!" Pumasok naman si Meshel sa loob ng opisina para yayain kaming kumain na! Sunday ngayon at wala akong pasok sa hotel! Si Yohan naman ay abala sa kusina! Di ba napapagod ang taong yun? Starving for money?! Psh!

Nadatnan naming nagtatawanan si Regine at Yohan sa labas! Yohan holding a bowl while Regine holding a fork and spoon! Sabay naman silang napalingon sa amin!

"Anong meron?" Tanong ni Aica sa dalawa! Nagkibit-balikat lang sila! Ohh? Okay!

Naupo ako sa tabi ni Aica, then suddenly the door open at may pumasok na babae at lalaki! Kumakain pa ang mga waiter sa kitchen kaya walang mag-aasikaso sa mga bagong dating! Tumayo ako at sinabihan sila na ako na ang bahala! Nababanas lang ako kay Yohan!

"Hello Maam, Sir!" Bati ko sa kanila at binigyan na sila ng menu! Nag-usap muna sila kung ano ang ioorder! Napalingon ako ng biglang may tumabi sa akin! Ano na naman bang kailangan nito?

"Dave?" Napalingon iyong lalaki at napatayo!

"Whooah! Yohan?" Nagtapikan sila ng likod! Oh? Magkakilala sila? Okay!

"You work here?" Tumango naman si Yohan! Napatingin ito sa akin at bahagyang nilapit ang bibig sa tenga ko! Fck! Anong ginagawa niya?!!

"You may go now! Eat! I can handle this!" Anito! Dali dali naman akong umalis doon! Fck him!!

Nagkakatuwaan ang tatlo ng madatnan ko sa aming mesa Padarag akong naupo!

"Oh? Bat ganyan mukha mo, Al?" Sita ni Regine sa akin! Di ko siya pinansin at agad na nagsandok ng pagkain!

"Anyare?" Si Aica naman ang nagtanong ngayon! Di ko sila pinansin! Nababanas na ako sa lalaking yun! Sarap hambalusin ng upuan eh!

"Mainit ya-"

"Shttt!" Halos pasigaw kong mura! Napalingon naman silan Yohan sa amin! Great, Ally! Your embarrassing yourself!

"Okay ka lang?" Tumango ako kay Aica!

"What happen? May problema ba?" Nag-aalalang lumapit si Yohan sa amin! Great! Ngayon ka pa mag-aalala sa akin kung kelan huli na ang lahat! Tsk!

"Napaso siya!" Si Regine na ang sumagot! Di ko sila pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain!

"Di ka pa kakain, Yo?" Tanong ni Regine! At kelan pa sila naging close? Noong mga panahong wala ako?! What the hell is wrong with you, Allysoon! Akala ko ba wala ng paki? Bat ngayon affected ka?!! Tsk!

Nag-vibrate yung phone ko! Tinignan ko ito at may mensahe galing kay Kuya Lloyd!

Kuya Lloyd:

Al, nilabas namin si Nathan at Xian. No worries, sandali lang kami. Nababagot na kasi si Nathan sa bahay, kawawa naman kung iiwan namin si Xian sa bahay. Wag magalit ah! Lablab!

Natawa ako sa text ni Kuya. Mabuti na rin yun para naman hindi tuluyang mabagot ang dalawang bata sa bahay. Kailangan ko na rin sigurong ilabas-labas si Xian para naman makasalamuha siya ng ibang bata! Magiging anti-social pa paglaki ang anak ko, I don't wanna let that happen!

Pag-angat ko ng tingin ang seryosong mukha ni Yohan ang nakita ko! Naka-tingin siya ng mariin sa hawak kong cellphone bago bumaling sa akin ang tingin niya! Ano na naman bang ginawa ko sa kanya?!!

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain!

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon