Chapter 22

372 16 0
                                    

Chapter 22

"What's your plan, in semestral break guy's?" Tanong ni Jeric saamin! Simula ng niligawan ako ni Yohan, sumasama na saamin ang kaibigan ni Yohan! Gusto ko silang kasama dahil nakakatuwa sila!

Nasa tabi ko si Yohan habang nasa cafeteria kami, nilalaro laro niya ang kamay ko!

"Uy, love birds!" Napaangat ako tingin kay Jeric! Natawa naman silang dalawa ni Donnie! Patuloy pa rin sa paglaro ng kamay ko si Yohan!

"Iba talagang mainlove itong si Yohan eh! Kulang nalang lumuhod sa harap ni Ally para ialay-" Di nito natapos ang sasabihin dahil tinapunan siya ng tissue ni Yohan!

"Shut up!" Galit na sabi nito!

"Easy bro!" Natatawang sabi ni Jeric dito!

"Bora!" Suhestyon ni Aica!

"Nah! Nakakasawa na doon!" Sabat naman ni Jeric!

"Palawan?" Si Regine naman ngayon!

"Mas lalo na doon! May masamang karanasan pa nga si Jeric doon eh-"

"Shut up, dude! Past is past!" Ani nito sabay batok kay Donnie! Nagtawanan naman sila! Paano ba naging kaibigan ito ni Yohan? Ang layo ng ugali nilang tatlo! Si Jeric at Donnie lang ang nagkakaintindihan pagdating sa kalokohan, si Yohan naman ay mukhang seryoso! Well, hindi natin alam baka may tinatago din palang pagkabaliw itong si Yohan!

"Saan mo ba gustong magbakasyon?" Bulong na tanong nito saakin! Napatingin naman sila sa amin at bahagyang napangisi!

"Aray! Ang kati! Ang daming langgam!" Hiyaw ni Jeric, pero halatang inaasar nito si Yohan!

Nagtawanan naman sila! Aba't nakisali na rin ang tatlo kong kaibigan!

"Comfort Room lang ako guy's!" Paalam ko sa kanila! Tumango si Yohan! Dahan dahan naman akong naglakad pumunta sa Comfort Room ng cafeteria!

Walang tao pagkapasok ko, pagkalabas ko ng cubicle nakita ko sina Martina with her alipores! Masama ang tingin saakin ni Martina, samantalang di naman ako pinapansin ng mga kasama niya!

"The soon to be slut girlfriend! Tsk tsk!" Anito! Hindi ko siya pinansin sa halip ay humarap sa malaking salamin para tignan ang ayos ko! Simula noong nanligaw saakin si Yohan, natuto na akong mag-ayos ng sarili ko! Minsan nga pinuna ako ni Yohan kung bakit ginagawa ko iyon! Ang tanging sinasabi niya ay gusto niyang makita at mamasdan ang kasimplehan ko! Hindi ko daw kailangan magbago para makita niya ang kagandahan ko! Ito talaga si Yohan!

"Hey! I'm talking to you!" Marahan akong kinalabit ni Martina!

"I said, ginagawa ka lang panakip-butas ni Yohan! Don't expect to much, Ally! Tandaan mo, hindi ka si Channyl para mahalin ng isang Yohan Montenegro! Isa ka lang hamak na babae na pwedeng maging pampalipas oras at panakip-butas!" Napako ako sa kinatatayuan ko! Para bang isang malaking sampal ang sinabi ni Martina! Namuo ang luha sa gilid ng mata ko! No! Hindi dapat ako makitang umiyak nila Martina! Ibig sabihin lang nun, sumasang-ayon ako sa sinabi niya! Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim!

"Wala kang alam!" Sabi ko! Aalis na sana ako ng marinig ko ang huli niyang sinabi!

"Kilala ko na si Yohan, noon pa! Gusto ko lang niyang makuha dahil may gusto siyang kunin sayo! You know what I mean!" Sabi nito sabay halakhak nila! Hindi ko na sila pinansin at naglakad na ulit sa table namin. Narinig kong nagtatawanan sila, huminga ako ng malalim at pilit na ningitian ang nakatinging Yohan sa akin!

"Tagal mo, Al! Alam mo bang gusto ng pumasok ni Yohan sa girls comfort room dahil baka naflash ka na! Iba din mag-isip nitong si Yohan!" Nagtawanan sila! Nakisabay ako sa tawanan nila! Iwinaksi ko sa isip ko ang mga sinabi ni Martina! Alam kung hindi ganun si Yohan! Kaya niya nasabi iyon dahil naiinis siya saakin dahil simula pa lang, talagang ayaw niya na saakin! Naiingit siya dahil kahit anong gawin niyang pagpapansin kay Yohan, hindi siya nakikita nito!

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon