Chapter 27

426 20 0
                                    

Chapter 27

Ilang araw na din ang nakalipas mula noong nagbakasyon kami sa resort nina Yohan! Back normal ulit kami! Nag-umpisa na rin ang klase namin!

"Ally? Patingin nga ng notes mo! Di ko nasulat lahat eh! Ibang klaseng prof. yun ang bilis bilis magsalita parang nagrarap, nakalimutan ata niyang nagde-dectate lang siya! Kairita!" Himutok ni Regine! Natatawa ko namang inabot ang binder ko sa kanya!

"Thanks, Ally! Lablab!" Ani pa nito! Tinawanan ko lang siya!

"Asan na kaya yung mga boys? Bigla bigla na lang nawawala eh!" Ani Aica na palinga-linga sa paligid!

"Sus! Namiss mo lang ata si Dan Dan mo eh!" Pambubuyo naman ni Regine dito! Nag-asaran pa silang dalawa!

"Guy's? Lalabas na muna ako!" Tinanguan nila ako! Lumabas ako ng room namin at naglakad sa hallway! Habang naglalakad, nakarinig ako ng tawanan, nakita ko ang isang bakanteng room na nakabukas ang pintuan!

"Kumusta naman kaya ang bagong sasakyan ni Yohan! Paniguradong nakuha na niya iyon! Tsaka ang tanga rin ng Allysoon na yan! Akala niya mahal siya ni Yohan! Ano siya? Siniswerte? Pustahan lang pala lahat! Tsk tsk!" Naghalakhakan naman sila! Nanigas ako sa kinatatayuan ko! Anong ibig nilang sabihin?!

"Maswerte pa rin siya! Naka one night stand niya si Yohan no! Pero assumera pa rin siya! Akala niya talaga totoo eh! Hahahaha!" Tawanan ulit sila! Dumaloy ang luha sa mga mata ko, tumalikod ako para babalik na sana sa room namin ng marinig ko ulit ang boses ni Martina!

"Sinusuyo na ni Yohan si Channyl, panigurado! Wala siya diba? Sana naman magkabalikan na sila para matigil na ang kahibangan ni Allysoon! Ayoko talaga sa kanya simula pa lang eh!" Hindi ko na tinapos ang pakikinig sa kanila at tumakbo na ako sa room namin, kinuha ko ang gamit ko! Nag panic naman sila ng makita akong umiiyak! Hindi ko sila pinasin at tumakbo na ako papalabas ng gate! Ayoko na! Pagod na pagod na ako!

"Allysoon, anak? Hindi ka ba papasok?" Nakasubsob lang ako sa unan ko at patuloy pa rin sa pag-iyak! Ayoko nang bumalik pa roon! Pagod na pagod na ako! Nasa labas si Mama ng kwarto ko at kumakatok!

"Hindi Ma!" Pasigaw na sagot ko dito, nakasubsob pa rin kasi ako sa unan ko!

Narinig ko ang mga yapak ni Mama na umalis na sa kwarto ko! Kinuha ko yung cellphone ko sa side table! Kanina pa ito nagriring pero hindi ko pinansin! I was totally tired! Physically and emotionally! I want to rest! Or I want to escape from this pain!

"Kuya? Gusto kitang makasama! Pwede bang kunin mo nalang ako!" Ani sabay hagulhol! Mas makakabuti sigurong lumayo nalang ako! Ayokong magmukhang tanga! I hate you so bad, Yohan!!

"Mommy?" Napabalik ako sa reyalidad ng makitang kong bumangon ang anak ko at niyakap ako! I smiled to him! Napabangon na rin ako!

"Did I wake you up?" Umiling ito at sabay yakap saakin! Naglalambing ang anak ko! Kakauwi ko lang galing sa kasal ni Meshel! Siya agad ang hinanap ko! I missed him! And it was past 8 already!

"Did you eat already sweetie?" Umiling ito! Pumasok naman si Mama sa kwarto namin!

"Di pa kumakain iyan, Ally! Hinihintay ka!" Ani Mama sabay ayos ng mga laruan na nakakalat sa sahig!

"Kain tayo, 'nak?" Tumango ito. Kinarga ko siya patungong dinning! Sumunod naman si Mama saamin!

"Binigyan mo ba ng sakit ng ulo si Lala mo?" Tumawa lang ito! Natawa din si Mama sabay iling!

"Ang bait bait ni baby Xian eh!" Ani Mama na nagpahalakhak sa anak ko! Napailing nalang ako! I was so happy and contented seeing my son so happy! Kahit wala siya sa tabi niya, nabibigay ko kahit papano ang mga papangailangan ng anak ko! Nagbunga ang nangyari saamin ni Yohan noon. Hindi ko pinagsisihan iyon. Nagpapasamalamat pa nga ako dahil binigyan ako ng isang Xian na makakasama ko habang buhay!

"Nagkita kayo?" Napabaling ako kay Mama na abala sa paghugas ng kanyang kamay! Nasa sala na si Xian at kakatapos lang namin kumain!

"Yes Ma! Walang akong sinabi! Hindi namin siya kailangan!" Sagot ko! Napakunot naman ng noo si Mama!

"Malalaman at malalaman niya anak! Paano kung makita niya ang bata na hindi sinasadya? Magkamukhang-magkamukha ang dalawa! Hindi maipagkakaila na anak niya ang bata!" Umiling ako!

"I know, Ma! Pero hindi na niya kailangang malaman pa! Ngayon pa na ikakasal na siya? He has no time for this, Ma!" Sagot ko! Hindi na siya sumagot pa!

When I saw him kanina, gusto ko siyang saktan! Gusto kong isigaw sa kanya ang frustration na iniwan niya saakin! Noong nalaman kong niloloko niya pala ako! Damn! I want to punch him hard! Pero ng maisip ko anak ko, napapakalma ako! Kung hindi dahil sakanya, wala akong Xian ngayon! Pero  yung nakakainis? Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko noong nakita ko siya! Parang bumalik yung nararamdaman ko sa kanya noon! Ayoko na! Tama ng minsan niya ako nasaktan! Pagod na pagod na ako! I hate him so much! I want him gone!

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon