Chapter 23

351 14 0
                                    

Chapter 23

Magkasama kami ni Yohan na namamasyal sa village namin! May mini park di kalayuan sa bahay namin! Magkahawak kamay kaming naglalakad. Hindi pa kami pero para sa inaakto namin tila ba kami na! Natawa ako sa loob-looban ko!

May mangilan-ngilang bata na naglalaro doon! Linggo kasi ngayon kaya may mga batang masayang naglalaro! Naupo kami sa isang bench habang pinapanood ang tawanan ng mga bata!

"Gusto kong maging bata ulit, dahil walang problemang iniintindi!" Wala sa sarili kong sabi! Hindi ko alam kung bakit sobrang panatag ng loob ko kay Yohan! Hindi dahil sa nanliligaw siya o ano, nararamdaman ko kasing sobrang gaan ng loob ko na kaya kong sabihin sa kanya kung ano ang nasa loob ko!

"Yeah! Pero pagnagkataon, hindi kita makikilala!" Anito na dahilan ng pag-init ng pisngi ko! Yohan naman talaga eh!

"Naku, Yohan! Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan!" Napapailing kong sabi pero naka ngiti ako!

"Why? You liked it?" Natawa lang ako sa sinabi niya! Nilapit niya pa ako sakanya, kinabahan naman ako! Hindi ko naramdaman kay John ang nararamdaman ko kay Yohan ngayon! Ibang-iba! Masyadong nakikiliti ang tyan ko everytime na may sinasabi si Yohan na nakakapakilig saakin! Mas lalo akong nahuhulog sakanya! Iwinaksi ko ulit sa isip ko ang pumapasok na boses ni Martina sa isip ko, hindi totoo yun!

"I want you to be my girlfriend, I don't want you to answer me quickly! Basta gusto kong maging girlfriend ka! Take time to think!" Bulong nito, sabay halik sa buhok ko!

Tinitigan ko siya, yung impossibleng sinasabi ko noon ay naging possible ngayon! Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagkagusto saakin si Yohan at hindi ko rin alam na agad akong magkakagusto sakanya! Ito na siguro yung tamang panahon para sagutin siya sa tanong niya! Ano man ang mangyari, tatanggapin ko! Kahit ikamatay ko pa! Siguro dahil naging failed yung relationship namin ni John ay dahil hindi ako naging sapat sakanya! Hindi ko siya binigyan ng importansya kaya naghanap siya ng iba! Ayokong pagdating ng panahon isumbat saakin ni Yohan na hindi ako naging sapat sakanya!

"What are you thinking?!" Tanong nito habang seryoso siyang nakatingin saakin! Nginitian ko siya!

"Yes!" Sabi ko! Nangunot ang noo niya!

"What do you mean?!" Anito.

"Yes!" Sabi ko ulit! Saglit siyang natigilan pero kasabay ng ngiti niya ay ang pagngiti rin ng mga mata niya sa tuwa!

"Thank you!" Anito sabay yakap ng mahigpit saakin! Niyakap ko rin siya ng mahigpit! I don't wanna ask for more! Sapat ng may taong nasa tabi ko at umalalay saakin!

He kissed me in my forehead! At nagdikit ang mga noo namin! Natawa kami ng biglang nagkantyawan ang mga bata na ngayon ay nasa harap namin at pinapanood kami!

Nakayakap naman saakin si Yohan ng balingan niya ang mga bata! Nag-thumbs up siya sa mga ito, nag-thumbs up din pabalik ang mga bata dito!

Napailing nalang ako! Walang mapaglagyan ng saya ang nararamdaman ko ngayon!

"Talaga? Kayo na?" Tumitiling sabi ni Aica! Binatukan naman siya ni Regine! Huwag kasing malikot kapag si Regine ang katabi dahil paniguradong mababatukan ka ng matindi!

"Congrats, Ally!" Masayang sabi ni Regine sabay yakap saakin!

Wala si Meshel dahil lumipad na ng states noong isang araw! Semestral break na rin kasi! Nauna nga iyong nagpa-enroll saamin dahil baka hindi siya agad makakauwi pagdating na klase!

"Ako rin sana!" Ani Aica!

"Sagutin mo na kasi si Dante, para may love life ka rin!" Asar ni Regine dito! Inirapan lang siya ni Aica!

Masayang masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad nila, very supportive. I love them so much!

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon