A/N: paxenxia na kung may mga typo :) sana magustuhan nio ang kaadikan ko sa rapper couple na ito love love love :)
Nang matapos ang performance ng A+ agad silang nakatanggap nang papuri sa kalabang grupo na SAY A. The four girls told them na ok ang ginawa nila kanina, hindi rin nakaligtas sa mga pandinig nila ang malakas na hiyawan at ang mga banners na todo sa pagsuporta sa kanila na siya namang ikinatuwa nila.
“Feeling ko yung babaeng baliw kanina ang sumigaw nang pangalan ko” sabi ni G.O sa mga kaibigan bago tinungga ang bottled water sa may lamesa.
“Pero ang mas bet kong narinig ay yung ‘Joon show us your abs!’ “ natatawang sabi ni Min patungkol sa pinsan nito. Alam naman ni Min na may abs nga si Joon hobby kasi nito ang tumambay sa gym at mag excersice.
“Asa pa silang makikita nila ang abs ko” todo tangging sabi ni Joon na nagpupunas nang pawis sa braso nito.
Si Terrence ang nakapansin nang pagkatulala ni Jia sa isang sulok kahit kasi kausap ito ni Suzy parang lutang ang isip nito, simpleng tango at oo lang ang mga sagot nito kaya nilapitan niya si Mir na katatapos lang magpalit nang pawisang damit. “Mir, inaway mo ba si Jia noona?”
“Huh?” kunot-noong tanong ni Mir agad naman itong napatingin sa gawi ng dalagang sinisinta. “Hindi ko siya inaway, ok kaya kami kanina bago tayo mag perform”
Agad na nakaramdam nang pagsiko si Jia mula kay Suzy na kanyang katabi, lutang kasi ang isip niya kaya hindi niya naintindihan ang sinasabi nito kaya napilitan tuloy siyang aminin dito ang kanina lang niya na discover kay Mir.
“Jinja Eonnie? Kinikilig naman ako” todo kilig na sabi nito sabay alog sa kanya ng mahina “sabi ko na sa’yo bagay kayo ni Mir hyung” hindi paawat na wika nito.
Tinakpan niya ang bibig ni Suzy “shh.. ano ka ba huwag ka ngang maingay baka marinig tayo” paalala niya sa dalaga sabay kurot sa pisngi nito.
Pinalo ni Suzy ang kanyang kamay sabay simangot na nagsalita “masakit yun eonnie”
“Hey! Busy ata kayong dalawa” nakangiting bungad ni Terrence nang lumapit sa kanila ni Suzy.
Agad na pinandilatan ng mata ni Jia si Suzy na huwag itong magkakamaling madulas nang sabi kay Terrence mahirap na kahit ba ta-tahi-tahimik ito malamang ay hindi ito magkakamaling mabangit kay Mir ang napag usapan nila “hindi naman nag kwentuhan lang kami”
“Yup tama si eonnie saka 2nd to the last pa naman kami sa mag pe-perform ngaun” wika ni Suzy sabay muwestra kay Terrence na maupo sa tabi nito.
“Napanood ninyo kami kanina?” tanong ni Terrence sa kanila.
“Yeah, ang galing nga ninyo eh saka dami ninyong fangirls”
“Mas mananalo kayo kung pinakita ni Joon ang abs niya tulad nang sigaw ng mga nanonood kanina. How can they know na may abs nga yung tao?” pa simpleng tanong ni Jia. Kahit kasi siya hindi pa niya nasilayan man lamang ang honey abs ni Joon kahit pa lagi sila sa bahay nila Min tumatambay.
“Pag stalker talaga alam ang lahat, saka hindi nila mapipilit si Hyung na magpakita noon may pag ka conservative kaya yun” amin ni Terrence.
“Hindi ba kayo na aasar sa mga stalker na ganun?” tanong naman ni Suzy. Kahit ito mismo ay may stalker din ata dahil sa ganda nito imposibleng walang stalker kaya minsan naiinis narin ito “ako kasi na ka experience na ng ganoon, ayun nasuntok ko tuloy nang abutan ako ng roses na favorite ko”
“Really? Dapat kang mag-ingat palagi”
Maya maya lang ay hyper na lumapit si Mir kina Terrence, Jia at Suzy na abala sa kwentuhan. Si Jia naman ay lutang na naman ang utak dahil until now naka shades parin ang binata nang lumapit sa kanila, at sa mismong tabi pa niya umupo si Mir. “Excited na akong makita kayong sumayaw noona”
BINABASA MO ANG
My Romantic Idol
Fiksi Penggemarmy first OTP fanfic MirJia couple (rapper couple) :)