Chapter 6 - Bakasyon

9 0 0
                                        

Napatda si Jia sa tahasang sagot ni Mir hindi niya akalain na sasabihan siya nito ng I Love You sa mismong harapan ng Mommy nito. Sanay lang siya na pabiro nitong sinabi iyon dati noong nasa bahay siya nila Joon at Min pero ngaun talagang tinitigan siya nito sa mata ramdam tuloy niya ang pagiging sincere nito kahit ba sabihing games lang iyon na pakulo ng Mommy nito. Nakita niyang nag usap sina Fei eonnie at Terrence sabay tingin kay Suzy, maya maya ay sumang-ayon ang mga ito na si Mir na ang panalo. Halata namang nag effort ang binata kaysa doon sa sagot ni Joon.

“Yes!” sigaw ni Mir sabay kuha sa laruan na nakalagay sa lamesa. Isipin na ni Jia na isip bata siya bet niya talaga ang laruang iyon na kahit may extra allowance siya ay parang nang hihinayang siyang bilhin, pero sincere talaga ang sinabi niya para sa dalaga.

“Ramdam ko ang sagot mo Mir” nakangiting sabi ni Terrence sabay baling kay Tita Sunny “second game na po ba tita?”

“Yup, the second game was called pepero games. May two couples tayo, Min and Sander saka Joon and Suzy” lahad ng butihing ginang sabay pakita sa mga ito ang pepero sticks na nakalagay sa platito.

“Ang may 2cm na matitirang pepero stick sila ang magigigng winners. Malinaw sa inyo?” tanong ni Fei sa dalawang couple na kasali.

Ang unang nag try ay sina Joon at Suzy, si Joon ang kakagat sa pepero stick smooth na smooth lang ang pagkagat na ginagawa nito akala ng lahat ay maglalapat ang labi ng dalawa pero agad iyong pinutol ni Suzy nang feeling nito pwedeng 2cm na.

“I thought both of you will gonna kiss” natatawang sabi ng Mommy ni Mir.

Then it’s Sander and Min’s turn to do the challenge, siyempre ang lalaki ang kakagat pero base sa facial expression ng mukha ni Min mukhang naiilang ito sa binatang kaharap. Wala pa nga sa kalahati ng maputol ang pepero stick siya namang pagbunyi ni Min.

“Yehey! Kami ang panalo!” panabay na sabi nila Suzy at Joon, the two got the homemade cookies baked by none other done Mir’s Beautiful Mom.

Nilapiitan ni Jia si Min na ngaun ay abala sa pagkain ng natirang almond pepero stick, naki kain na rin siya “bakit mo naman pinutol agad sayang yung premyo na makukuha” sabi niya sa dalaga.

“Keri lang yun saka naiilang ako sa pagiging malapit ng mga mukha namin”

“Bumili ka nlng ng cookies na gawa ni Tita Sunny, I heared binebenta niya ata iyon”

Humarap si Min sa kaibigan habang nanguya ng pepero sticks “aminin mo, kinilig ka kanina sa two line verse na sagot ni Mir kanina no” panunukso niya dito.

“Hindi ko expected na iyon ang sasabihin niya, bet na bet niya yung laruan parang bata lang” naiiling na sabi ni Jia, kahit ganun si Mir cute parin siya.

Bago matapos ang lunch party nila ay ipinagluto sila ng ramen ni Tita Sunny kaya bago sila nito pinuwe ay pinakain mula sila noon, mabuti nlng at may natirang stew na gawa ni Sander kanina kaya nakatikim pa ang ginang na todo puri na masarap daw ang gawa ng binata. Tinanong din sila ng Ginang kung anong balak nila sa nalaapit na graduation day. Parang lahat ata sila ay wala pang kongkretong plano kung anong gagawin nila. Two months nlng goodbye college na sila, hello working professionals na ang magigiging peg nila.

Nakatanggap nang paanyaya si Jia mula sa Mommy ni Mir na si Mrs.Sunny Rivera niyaya siya nang Ginang na magabakasyon sa Changseong South Korea. Iyon ang hometown ni Mir doon ito lumaki kaya bago ito nagpunta ng Pilipinas ay marunong ito sa mga gawaing probinsiya. Since stress out siya sa nalalapit na due date ng pasahan ng Thesis pinaunlakan niya ang paanyaya ng Ginang. It’s a three day vacation at first time niyang pupuntang South Korea kaya naman excited siya, sasabihin palang niya sa kanyang Mommy ang balak na pagsama sa pamilya ni Mir sa bakasyon ng mga ito ay agad siyang pinayagan dahil nauna na palang magsabi dito si Tita Sunny basta daw ba bibilhan niya ng pasalubong ang kanyang mahal na Ina at gayun din ang kanyang mga kaibigan.

My Romantic IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon