Chapter 7 - Graduate na!

6 0 0
                                    

Rehersals nang mga graduating students ngaun sa chapel ng St.Michael’s University kaya kahit na gusto mag kwento ni Jia sa mga kaibigan tungkol sa kanyang last week vacation sa Korea ay hindi niya magawa baka kasi mapagalitan siya at nasa loob pa man din sila ng simbahan. Nang matapos ang isang oras na practice nila ay agad na hinatak siya nang mga kaibigan at pinilit na magkwento, kinikilig naman ang mga ito nang sabihin niya na inilibot siya ni Mir sa hometown nito at sinamahan din siya nito na mamili ng kanyang mga pasalubong na talagang tinawaran niya pa sa Korea.

Samantalang sa may library iniabot ni Mir ang puro pabango na pasalubong niya sa apat na kaibigan at sinabi niya rin dito ang sinabi ng kanyang brother-in-law while he was in Korea last week. Nagbabalak kasi itong magproduce nang isang grupo na may exceptional talent na alam naman niya na pasok silang lima sa qualities na iyon kaya sinabi niya na after graduation ay makakakuha ito nang feedback mula sa kanya.

“Type ko yang sinabi mo Mir, it’s our chance na maging sikat” wika ni G.O na binuksan ang binigay na pasalubong ni Mir.

“I’m sure we need a lot of trainings bago ipakilala ng bayaw mo Mir” segunda naman ni Sander na nakaupo nanaman sa may bintana.

“After graduation kakausapin ko ulet si bayaw so dapat ngaun palang bigyan niyo na ako ng gusto ninyong mangyari”

“I go for it, hindi ko palalagpasin ang chance ko” matatatag na sabi ni Joon.

Nagtaas ng kamay si Terrence “Me too, I’ll go for it”

“Sander Hyung and G.O Hyung kayo?”

“Sa graduation mo nlng malalaman ang sagot ko Mir” sabi ni G.O na mukhang biglang may naisip.

“Sabay na kami ni G.O na magsasabi ng desisyon namin sayo Mir” seryosong sabi ni Sander habang nakatanaw sa malayo.

Alam ni Mir na balak mag masteral ni Sander hindi lang sila sigurado kung abroad or dito lang sa Manila nito gagawin, saka alam din niya na balak nito maging Chef sa kanilang lima ito kasi ang mahilig magluto at swerte sila dahil kahit papaano ay natitikman nila ang luto nito na talaga namang pwedeng ipagmalaki. Tinignan niya si Joon hyung ito ang tipo ng taong gusto maging sikat in his own way, dahil nasa pamilya nito ang successful sa buhay gusto naman nito na maiba ng larangan. Terrence Park, akala ng marami na ito ang bunso sa kanilang lima dahil baby face kasi ito, ito naman ang tipo ng tao na gustong mag travel at harapin ang hamon sa kanya. Kung siya ang tatanungin sana lima silang magkakasama at sabay sabay na pupunta ng Korea to pursue their dreams, minsan lang dumating ang swerte sa kanila dapat hindi nila iyon palampasin.

One week before their graduation day sinamahan ni Mir si Jia na bumili ng dress nitong isusuot. They end up shopping at megamall sinadya niya talagang samahan ang dalaga para narin makausap ito sa balak nilang lima na magpuntang Korea, he was really sure na ma-mi-miss niya ang dalaga.

“Thanks Mir for being here talagang sinamahan mo pa akong mag shopping ng isu-suot ko next week” nakangiting sabi ni Jia sa binata habang nainom ng Dark Mocha Frappe sa Starbucks kung saan sila nagmi-meryenda ngaun.

“Wala yun Noona, nga pala were planning to leave for Korea two weeks after graduation, I’m still waiting for Sander and G.O hyung’s answer”

“Really? Happy ako para sa inyong lima, dream niyo naman talaga na mag perform at napatunayan ninyo na magaling kayo during the university event natin”

“Yun lang mami-miss kita noona malayo-layo din yung Korea dito sa Manila”

Bahagyang natawa si Jia sa sinabi ng binata “ano ka ba pwede mo naman akong tawagan, I-chat if ofcourse pag hindi ka busy. I know being an idol needs a lot of practice and patience”

My Romantic IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon