Chapter 5 - Pasabog

8 0 0
                                    

Michaelian’s day.  Day 3

Cheering competition at para kay Jia mas kabado pa siya ngaung araw kaysa noong nag perform sila last Monday. Iba naman kasi pag sinabing cheering at siya pa ang ihahagis hagis mamaya sa competition. Hindi siya dapat kabahan dahil all out support ang kanyang mga kaibigan, nakita na niya ang tatlo na nakaupo sa may second line. At bago niya puntahan ang mga ka grupo napansin niya ang pagdating nila Sander, G.O at Terrence. Kung sino pa yung dalawang gusto ko hindi sila manonood wala man lang pampaswerte.

Nagsimula na ang cheering competition unang sumalang ang grupong kinabibilangan ni Jia. Praktisado ang bawat miyembro at talaga namang alerto ang mga ito lalo na ang mga taga buhat at taga salo, Jia gives her best to execute her stunts na siyang sinabing gawin. Naroong parang walang hirap itong inihagis pa itaas at sabay split sa balikat nang kanyang kapwa member na babae at sabay hagis para naman saluhin ito nang mga kalalakihan. Nang matapos nakarinig sila nang masigabong palakpakan kasabay ng pagkakagulo sa bandang taas, agad na tumayo si Mir katabi nito si Joon na may dalang megaphone. Napatingin sa dalawa ang mga audience na nanonood.

“Jia-ssi may ipapakita sayo si Mir” malakas na sabi ni Joon gamit ang pulang mega phone.

Itinaas ni Mir ang kanyang buhok na tumatabing sa kanyang noo at proud na nag chin-up may heart drawing at may nakasulat doon in bold black letters na: JIA NOONA, SARANGHAE!  Agad naghiyawan at nag cheer ang mga taong naroon sa gym kasama na ang ibang kaibigan niya.

Samantala agad na napahawak sa kanyang dalawang pisngi si Jia, ramdam niya na siya ay nag blush dahil sa lantarang pag amin ni Mir na may gusto ito sa kanya. She didn’t expect na gagawin iyon nang binata kaya pala late ito at dinamay pa si Joon sa trip nito. Napa-palakpak nlng siya ng purihin ng mga hurado ang ginawa nila pati narin ang ginawa ni Mir kinilig daw ang mga ito kahit ganun lang daw yun kasimple.

“Oh my Gee! Nag effort ka pa talaga Hyung para dyan” nakangusong sabi ni Suzy ng umupo sa pwesto nila sina Mir at Joon na galing sa taas.

“Dagdag points ata yang pagtatapat mo kay Jia noona, Mir” nakangiting sabi naman ni Terrence.

Sangkaterbang kantiyaw at papuri ang natanggap ni Mir pagkatapos ng eksenang ginawa niya kani-kanina lang. Nagpapasalamat siya at mukhang ok naman sa dalaga ang kanyang ginawa “nahiya pa nga ako nung una” amin niya sa mga kaibigan.

“Nahiya ka pa sa lagay na yan?” naiiling na sabi ni Sander.

“Ok naman ang ginawa mo lakasan lang ng loob, sinama mo pa sa eksena si Joon”wika naman ni G.O sabay akbay sa munting ekstrang si Joon.

“Bukal naman sa loob ko ang aking ginawa, sikat na ngaun si Mir at Jia sa campus” cool na cool na sabi ni Joon.

Sa lima ito kasi ang nangunguna sa dami ng babaeng nahuhumaling dito why not Joon has the killer abs plus kindat palang nito tulo laway na agad ang mga kababaihan. Ikalawa si Terrence na hindi rin nagpapahuli pagdating sa abs, ayon sa mga fangirls nito Terrence has the title as White Chocolate abs dahil kay Joon na raw kasi ang titulong Honey Abs or Chocolate Abs, iyon nga lang medyo malihim si Terrence sa buhay nito kaya kahit anong pilit nang iba hindi ito pala kwento lalo na’t pag hindi nito ka close.

Buong araw nang topic ng lahat ang agaw eksenang ginawa ni Mir para sa sinisintang dalaga. Instant sikat sila at may bansag na nga kaagad daw sa kanila ayon kay Min na nagcheck online sa website nang kanilang University.

“Look guys” sabi ni Min sabay harap ng cellphone nito at ipinakita ang post sa forum ng Michaelian tungkol kina Mir at Jia “MirJia, the rapper couple”

“Wow ang bilis ah may bansag na agad” amase na wika ni Fei sa kanyang nabasa.

Nang lumapit si Jia sa pwesto nila agad nilang sinabi dito na sikat na ito sa buong campus kahit sa forum ay bumabalandra ang pangalan nilang dalawa ni Mir.

My Romantic IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon