Chapter 3 - Contest

6 0 0
                                    

Two hours straight na silang nagpapractice sa bahay nila Joon kaya feeling ni Mir pagod na pagod na siya hindi na ata napasok sa utak niya ang mga dance steps na dapat imemorize. One week nlng ang practice na pwede nilang gawin dahil malapit na ang Michaelian’s Day ng kanilang University. Isang buong lingo silang nag ce-celebrate nang ganoon sa campus kaya one week silang hindi mangagamba sa academics, which for him was hard ang magmemorize nang steps at isabay pa kung may exam sila.

Nagtawag ulet si Sander at sinabing magpractice pa sila ng dalawang pasada daw bago sila umuwe. Hindi lang si Mir ang pagod na gayun din si G.O na sa kanilang lima ito ang pinaka huli kung makakuha ng mga dance steps pero pagdating naman sa kantahan ito ang nangunguna dahil sa boses nitong maganda. Start na ulet nang practice nila, Mona Lisa ang kanilang sasayawin it was a Spanish electronic genre na sure silang mapapasayaw ang lahat kaya dapat pagbutihan nila. Sa gitna nang kanilang practice nakita nilang dumating sina Jia at Min at dahil doon nawala sa konsentrasyon si Mir na agad nasita ni Sander dahil doon. Nakita nilang sa may swing naupo ang dalawa at mukang balak pa ata silang panoorin. Kaagad na tumigil si Sander sa pagpa-practice at hinarap si Min.

“Hindi ninyo kami pwedeng panoorin, pumasok na kayo sa loob” mautoridad nitong sabi.

“Bakit bahay mo ba ito? Saka care ko sa sayaw ninyo as if naman titili kami pag nag perform kayo. Excuse me lang no” taas noong sabi ni Min sa binata.

Tumayo si Jia at pinagitnaan sina Min at Sander baka kung saan pa mauwe ang usapan ng dalawa. Alam niyang bad mood si Min dahil sa project research nito na hindi natapos nang kanyang ka tandem. Dalawahan kasi ang naka assign sa project research nila at sa kasamaang palad hindi sila ang magka sama para doon. “Pasensiya na kayo, huwag niyo nlng kaming pansinin. Bad mood kasi si Min ngaun” imporma niya sa limang binata.

Hyung bukas nlng ulet natin ituloy ang practice wala na kaming lakas” sabi ni G.O kay Sander na natitig kay Min.

Hinatak ni Joon si Jia na umalis sa gitna nina Sander at Min. He wants to know kung ano ang pwedeng gawin ng binata para mawala ang pagkayamot ng kanyang pinsan. As far as he knows alam niya na concern parin si Sander sa kanyang pinsan na minsan na nitong naging girlfriend-first love to be exact. As expected tumabi si Sander kay Min at mahinahon nitong inakay papasok sa loob ng kanilang bahay, kaya napangiti siya sa naging eksena nang dalawa. Weakness parin ni Sander ang pang-asar kong pinsan. At laking gulat naman niya nang pumagitna sa kanila ni Jia si Mir sabay hawak sa kamay ng dalaga. Nakarinig siya nang “ehem” mula kay Terrence na siya na ngaung nakaupo sa may swing na inalisan nina Min at Sander kanina.

“Teka tama ba yung nakikita ko Mir?” sabi ni G.O, ang tinutukoy nito ay ang paghawak ni Mir sa kamay ni Jia.

“Improving ka na Mir” buska niya sa binata.

Nagulat si Jia nang bigla siyang hatakin ni Joon paalis sa harapan ni Min, ang simpleng paghawak nito sa kanya ay naghatid nang munting kasiyahan sa kanyang kalooban. Pero agad ding nawala ang inaasam niyang pagasa dito nang makita niyang nagbigay lang ito ng idea kay Sander na suyuin ang kanyang kaibigan. At ang hindi niya inaasahan ay ang ginawang paghawak ni Mir sa kanyang kamay nagtataka siya kung bakit iyon ginawa nang binata, kaya nang marinig niya ang pag tikhim ni Terrence agad siyang bumitaw at siya namang pagsasalita ni Mir.

“Hindi ka pwede maglalapit kay Joon hyung” wika nito sa kanya sa seryosong tinig.

“Why should I do that?” kunot-noong tanong niya sa binata na siya namang nakatitig sa kanya.

“Basta hindi pwede makinig ka nlng sa akin” sagot nito sabay simangot na parang bata.

Tumawa nang malakas si Joon dahil sa sinabi ni Mir, hindi niya mapigilang hindi matawa. “alam ko na bakit ganyan ang inaakto ni Mir” wika nito sabay tingin kay Jia.

My Romantic IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon