Prologue

15 1 0
                                    

Hindi magkamayaw sa pagtili ang mga estudyante nang maispatan nilang papasok sa loob nang campus ang limang miyembro nang A+. A+ dahil silang lima ay puro A ang blood type kaya iyon ang naging pangalan ng grupo nila. Si Sander Yun ang tumatayong leader nang grupo, Gianne Onessa or GO ang isa sa lead vocals, Joseph Oneil Lee o mas kilala bilang Joon isa sa main dancer at vocals, Terrence Park ang napiling visual ng grupo at si Marco Iann Rivera o Mir ang bunso sa lima na expert pag dating sa rap ay kapwa mga may dugong banyaga. Five of them were half Korean and half Pinoy, kaya hindi nakakapagtaka na todo kilig ang bawat estudyante sa loob nang St. Michael’s University tuwing magkakasama ang lima.

                Terrence, Mir and Joon were in Engineering course while Sander and GO was both in Business Administration course. Sa kanilang lima si Sander ang medyo masunget ang aura, si Terrence ang tahimik a man of few words, samantalang si GO ay parang Happy go lucky ang drama, Si Joon naman ay may pagka moody kung minsan at ang kwela sa lima si Mir palibhasa siya ang maknae sa kanilang grupo. At dahil sikat sila sa buong campus hindi nila maiwasan na malaman na may fansclub nang itinayo ang mga kababaihang nahuhumaling sa kanila which is hindi naman nila tinutulan basta ba hindi sila mapeperhuwisyo at hindi masasangkot ang personal life nila.

                Matapos silang pagkaguluhan ng mga estudyante nakarating naman sila nang matiwasay sa loob nang library. Malamang doon mahihiyang magingay ang mga fangirls daw nila. Agad silang naupo sa favorite place nila sa library, sa may dulo ng Science section doon kasi pwedeng buksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin na trip gawin ni Sander.

                “Minsan kaya I try natin na hindi tayo sabay sabay pumasok para hindi sila ganun kagulo” wika ni Terrence na nasa tapat ng shelf at kaagad hinanap ang librong binabasa nito mahigit isang lingo na ata.

                “Sang-ayon ako kay Hyung, Minsan naiilang ako sa mga pagtili tili nila” segunda ni Mir na inabala naman ang sarili sa pagtingin ng litrato sa cellphone nito ng babaeng may kulay Pink na buhok.

                “Ano ba kayo, be proud at sikat tayo sa buong campus” cool na cool na pagkasabi ni G.O na tutunganga lang buong durasyon nang stay nila sa library.

                “Isa lang ang pwede nating gawin” wika ni Joon at saka tumabi kay Mir at nakitingin sa litratong tinitignan nito “yan nanaman ang gagawin mo Mir, ang titigan yang babaeng naka sideview pa ang kuha sa cellphone mo, Wala na bang iba?”

                “Huwag ka nga magulo Hyung. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya” reklamo ni Mir.

                “Paano mo malalaman eh nilayasan mo yung Parents mo nang ipapakilala nila yung future bride to be mo dapat. Malay mo kapatid yan ng future bride mo” singet naman ni G.O sa usapan nina Joon at  Mir.  Sinabi kasi ni Mir sa apat ang nais gawin nang kanyang Lolo Chen, ang ipagkasundo sila nang Apo ng Bff nito, In short arranged marriage ang mga matatanda nga naman ang hilig makielam.

                Tumikhim si Sander, kaya agad napalingon ang apat sa kanya “at ano naman ang suggestion mo Joon?” wika nito mukhang tapos na ito mamintana kaya hinarap na sila.

                “Ah.. eh..” sagot ni Joon sabay kamot ng leeg “alam ko na huwag tayong papasok kapag lunch time or yung madaming tao na tambay sa kubo”

                Napahimas ng baba si G.O “pwede ba yun? Iba iba naman kasi ang sched natin”

                “Walang problema sa akin ang pagtili tili nila kanina sa ating lima basta ba hindi tayo nagugulo nang mga kabaliwan nila” may pag ka masunget na sabi ni Sander sa apat na ka miyembro. Kaya nag kibit balikat nlng sila bilang sa pagsang-ayon dito.

My Romantic IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon