This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
Ang Seatmate Kong Manhid
Written by: iHeartCMU
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 1
It's been three years since I started high school. Kahit pa sabihin nating junior na ako eh di pa rin ako sanay sa buhay estudyante. I still have a lot of issues with my studies.
Nagrereklamo pa rin ako sa tuwing gumigising ako ng maaga for school. Mas gusto ko pa ring matagal matulog kahit na maaga pa ang pasok ko kinabukasan at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang aga-aga ng oras ng pagpasok. Why the hell is it 7:00 in the morning? To think na sa private school ako nag-aaral, na-iinis talaga ako. Mabuti pa ang sa public, halos 8am na sila magsimula sa klase and I thinks that's really ideal.
"Aine, tapos mo na yung sa Chem?" tanong ng kaklase ko na panigurado ay hindi na naman nakagawa ng assignment namin sa Chemistry.
"Yup. Let me guess, mangongopya ka?"
"Sana. Pwede ba?"
Pasimple pang sabi ng loko eh alam ko naman na deep inside niyan eh nagmamakaawa na yan para makapangopya lang.
"Of course. Kaw pa!" sabi ko sa kanya with matching smile on my face.
"Thank you! Ang cute cute cute mo talaga!" sabay kurut niya sa mga pisngi ko na natural naging mapula dahil sa pagkurut niya.
Nagtataka ba kayo kung sino ang sip-sip na yun? Well siya lang naman ang kaklase ko na si Gian Anthony Palma. Ganyan talaga yang taong yan, ang hilig mangopya. Ganyan din naman kasi ako sa kanya. Vice-versa lang kumbaga.
Siya lang naman kasi ang Math Wizard ng buong batch namin. He can solve anything kahit di niya alam ang formula. Gumagawa nga siya minsan ng kanya and since tama naman ang answer, tinatanggap na din ng teacher namin.
Medyo may katangkaran siya, di naman ganun ka gwapo ala Daniel Padilla pero pwede na rin at medyo moreno. Pero huwag mong sabihing gwapo yan, panigurado tataas level ng confidence niyan. Tsk.
"Aine, ano toh? Di ko maintindhan." sabay turo dun sa word na di niya maintindihan.
Palibhasa maganda ang penmanship niya. Eh di siya na! Siya na ang may magandang penmanship! :D
"Solubility yan. Pasensya na po ha. Di po kasi kasing ganda ang penmanship ko ng sa inyo. Haha"
BINABASA MO ANG
Ang Seatmate Kong Manhid
Teen FictionSa loob ng tatlong taon, tanging ang seatmate lang ni Aine na si Gian ang minahal niya. At dahil manhid nga ang seatmate niyang si Gian, hindi pa rin nito alam ang totoong nararamdaman ni Aine para sa kanya. Pero paano kung isang araw malaman nalang...