Inaamin Ko Na [Scene 17]

5.3K 132 35
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay ImDanielJoshua. Yung mga conversation natin sa mala-MMK nating mga buhay. Hahaha.  Anyway, sana magustuhan mo ang update ko kuya!

***

 This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.


Ang Seatmate Kong Manhid

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***




Chapter 17


Dalawang buwan. Dalawang buwan na mula ng malaman ko na si Mark pala ang kababata ko. Dalawang buwan na rin kaming 'super close' kuno. Para bang bumalik na ulit yung pagsasamahan namin dati.


Syempre, masaya ako. Di ko na rin kasi napapansin masyado sina Gian at Liann. Para bang nakakalimutan ko sila tuwing kasama ko si Mark. Minsan nga iniisip ko, baka unti-unti na akong nakaka-move on kay Gian. Alam ko, magandang bagay yun para di na rin ako nasasaktan. Sana nga tuloy-tuloy na to.


"Aine -"


Napahinto ako sa pagliligpit ko ng mga gamit ko. Uwian na rin kasi. Sa wakas, tapos na ang kalbaryo ko. Tapos na lahat ng projects ko.


"Oh Gian." Bati ko sa seatmate ko.


"Aine, nandiyan si Mark sa labas." Singit bigla ni Andy.


"Ha? Ahh, oo sige. Salamat Andy."


"Sandali lang Gian ha." At humakbang na ako palabas ng classroom.


"Teka Aine -"


"Mark . . ." Tawag ko sa kanya.


Napatuwid naman siya ng tayo at bumati sakin. 


"Hi Lorraine!"


"Anong ginagawa mo dito?"


"Wala, magpapasama lang sana ako sayo."


"Ha? Saan?" Tanong ko.


"Darating kasi si Ate Marie bukas. Eh di ko alam kung anong bibilhin. Magpapatulong sana ako sayo since babae ka. Alam mo na."


"Sige ba. Basta ikaw."


Ang Seatmate Kong ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon