This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
Ang Seatmate Kong Manhid
Written by: iHeartCMU
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 3
"Aish! Ano ba naman yan. Tapos na ako nito eh." Pagrereklamo ko.
Panu ba naman kasi, tapos ko na gawin tong project ko sa math. Kaya lang, nawala nung teacher ko yung project na pinasa ko. Kaya no choice ako ngayon kundi ulitin na naman ang ginawa ko. Kainis! Badtrip! Pinaghirapan ko pa naman yun. Tsk.
"Hoy!"
"Ahy Daniel Padilla!"
Anak ng tipaklong! Sino ba namang di magugulat dun? Ang serious na masyado ng atmosphere tapos bigla-bigla nalang may manggugulat sayo. Kulang nalang, mahulog ang puso ko.
"Daniel Padilla na naman? Di ka ba nagsasawa dun?"
Tsk. Kaya naman pala muntik ng mahulog ang puso ko. Ahy mali. Matagal na nga palang nahulog ang puso ko. Sa kanya, kay Gian Anthony Palma.
"Eh ba't naman ako magsasawa dun? Ke gwapong nilalang." Pagdadahilan ko.
"Sabi mo eh." Sabi niya at umupo na sa tabi ko.
"Eh teka nga, ba't ka ba kasi nanggugulat."
"Wala lang."
Loko to ah. Ako na naman yatang nakita nito. Teka, ako naman yata talaga ang pinagti-tripan niya. Palibhasa seatmate ko siya at ako ang pinakamalapit sa kanya. Tsk.
"Oi, welcome back pala! Nakss naman. Di na siya absent."
Eh kasi, three days ng absent ang mokong. Balita ko, umuwi raw kasi ang ate niya kaya bonding daw muna sila. Sus, sabihin mo, sip-sip lang yan. Hihingi lang naman yung ng pera sa ate niya pangkain eh.
"Sus. Sabihin mo, namiss mo lang talaga ako." Pang-aasar niya with matching nakakalokong ngiti at tinataas-taas pa ang kilay.
Hoy Gian! Oo, namiss nga kita. Pero di ko aaminin. Swerte mo naman kung ako ang unang magtatapat. Che!
"Utot mo. Panu naman kita mamimiss eh ang kulit mo masyado. Nagpapasalamat nga ako na nawala ka eh."
BINABASA MO ANG
Ang Seatmate Kong Manhid
Novela JuvenilSa loob ng tatlong taon, tanging ang seatmate lang ni Aine na si Gian ang minahal niya. At dahil manhid nga ang seatmate niyang si Gian, hindi pa rin nito alam ang totoong nararamdaman ni Aine para sa kanya. Pero paano kung isang araw malaman nalang...