This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
Ang Seatmate Kong Manhid
Written by: iHeartCMU
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 7
"Si Palma?" Tanong ko sa kaklase kong si Anna.
"Si Gian? Ewan." Kibit-balikat niyang sagot.
Ba't ganun yung lalaking yun? These past few days kasi, lagi nalang siya nawawala. One minute kasama mo siya, then the next minute, he's gone.
"Hello Pa?" Sagot ni Anna sa tawag sa cellphone niya. "Po? Eh kasi may ginagawa pa po ako. Ha? Kamusta si Mama? Oo sige, papunta na ako agad diyan."
Napalingon naman agad ako kay Anna. Ano kayang nangyari sa Mama niya? Okay lang kaya siya?
"Aine, pwede bang mauna na akong umuwi? Si Mama, sinugod sa ospital." Natatarantang sabi ni Anna.
"Okay lang. Sige ako na dito. Puntahan mo na Mama mo."
"Sorry talaga. Babawi ako. Salamat." At umalis na nga siya.
Kaya mo to Lorraine. Kaya mong linisin ang buong classroom ng ikaw lang mag-isa. Di mo kailangan ng tulong. Di ka naman pagod ng dahil sa PE niyo diba? Hayy. Ba't ba naman kasi push-up pa yung ginawa namin kanina. Ang sakit tuloy ng mga braso ko. Ang hirap kumilos.
"Tulungan na kita." Medyo nagulat ako nang may marinig akong magsalita.
Buti nalang bumalik na agad si Gian. Sabi ko na nga ba, di niya talaga ako kayang tii -
"Oh Mark. Ikaw pala."
Si Mark pala. Hindi si Gian.
"Akala mo siya?" Tanong niya.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo diyan?"
Oo Mark. Akala ko si Gian. Pero hindi pala. Dahil ikaw ang dumating, hindi siya.
"Alam ko naman na siya yung inaasahan mo."
BINABASA MO ANG
Ang Seatmate Kong Manhid
Teen FictionSa loob ng tatlong taon, tanging ang seatmate lang ni Aine na si Gian ang minahal niya. At dahil manhid nga ang seatmate niyang si Gian, hindi pa rin nito alam ang totoong nararamdaman ni Aine para sa kanya. Pero paano kung isang araw malaman nalang...