Nakakaiyak [Scene 10]

6K 136 14
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.


Ang Seatmate Kong Manhid

Written by: iHeartCMU

All Rights Reserved | 2012

***




Chapter 10


"Make me fall in love with you."


Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Mark.


Sino ba namang hindi magugulat sa sinabi ko. One minute I was hurting because of another man then the next, I'm asking him to make me fall for him.


"Lorraine . . ."


"No, I'm sorry Mark. Ang selfish ko. Ang kapal ng mukha kong hilingin sayo yun." Sabi ko.


Pagkatapos nun, tumalikod na ako para umalis. Pero hinawakan niya ako sa braso at pinaharap ulit sa kanya.


"Hindi ka selfish. Nasasaktan ka lang."


"Exactly. Nasasaktan ako but that doesn't mean na sasaktan rin kita. Sa sinabi ko, mas masasaktan kita. I'm sorry for asking that Mark."


"Naiintindihan naman kita Lorraine."


Ang bait mo nga talaga Mark. At ang tanga ko para saktan ka lang. I'm really sorry. Kung pwede lang sanang diktahan ang puso, sana ikaw nalang ang minahal ko.


"Really, thanks for being there for me."


"I would always be here for you." Sabi niya at ngumiti. "Halika, kain tayo. I'll treat you."


"Nakakahiya naman sayo."


"Ano ka ba. Diba sabi ko naman sayo ako laging sasalo sayo."


"Di nga ako nahuhulog." Pagbibiro ko.


"Kaya nga - "


"Maghihintay ka na mahulog ako sayo?" Singit ko bigla bago pa siya matapos sa sinasabi niya. "Ang bolero mo talaga!" Pang-aasar ko.


"I'm glad that you're smiling."


Ang Seatmate Kong ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon