This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
Ang Seatmate Kong Manhid
Written by: CaraMariaUna
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 14
It's been 3 months mula ng maging sila na ni Gian at Liann. Eventually, masakit para sakin ang pangyayaring yun. Lalo na't alam ko deep inside na mahal ko si Gian. Sa sobrang tagal kong naitago ang pagmamahal ko, ngayon sigurado na ako na manhid nga ang seatmate ko. Dahil hanggang ngayon, wala pa rin siyang kaalam-alam sa totoong nararamdaman ko.
"Aine!" Sigaw bigla ni Gian habang nagliligpit ako ng mga gamit ko. Dismissal na kasi.
"Oh bakit Gian?"
"Balita ko may bagong release na libro si Meg Cabot."
Bagong libro? Waaaaaahhhhhh!
"Talaga? As in?"
"Oo nga."
"Omo omo omo! Sa wakas, may bagong libro na naman siya!"
"Sabi ko na nga ba magwawala ka talaga diyan." hagikhik niya.
Kasi naman, favorite author ko talaga si Meg. Saludo ako sa lahat ng mga gawa niya.
"Eh alam mo naman kung gaano ko ka-idol yang si Meg Cabot."
"Oo, alam na alam ko. Eh kumpleto mo lahat ng libro niya eh! Solid ka pa nga sa kanya kesa sa mga artistang kinababaliwan ng iba."
"Eh alam mo namang mahal ko ang pagbabasa."
Ganyan talaga ako eh. Mas gusto ko magbasa kesa sa sports activities. Ewan, siguro kasi lumaki akong nakasanayan na yun.
"Oo na! Kaya nga sasamahan kita sa mall." Sabi niya.
Mall? Anong gagawin namin dun?
"Ha? Bakit naman?"
"Eh alam ko namang susugod ka dun para bumili. Kaya sasamahan na kita."
BINABASA MO ANG
Ang Seatmate Kong Manhid
Teen FictionSa loob ng tatlong taon, tanging ang seatmate lang ni Aine na si Gian ang minahal niya. At dahil manhid nga ang seatmate niyang si Gian, hindi pa rin nito alam ang totoong nararamdaman ni Aine para sa kanya. Pero paano kung isang araw malaman nalang...