MAKAILANG ulit nahilot ni Stacey ang sariling sentido. Hindi na natapos-tapos ang pag-ring ng kanyang cellphone. Halos sumabog na iyon dahil sa dami ng text messages at calls na natatanggap niya mula sa mga showbiz reporter, local man o international.
Sinubukan niyang basahin ang isang text message mula sa editor-in-chief ng isang magazine nang matapos mag-ring ang phone niya.
Good morning, Stacey. I would like to personally invite you for a photoshoot and short interview. If you have time—
Hindi niya na naituloy ang pagbabasa nang mag-ring na naman ang phone niya. Naiinis niyang pinindot ang decline button at s-in-witch on ang Airplane mode.
Isang linggo na ang nakakaraan magmula nang makauwi siya sa Manila. Napakabilis ng mga pangyayari. Umalis siyang may pangalan sa pagmomodelo, umuwi siya sa bahay nila na sikat na sikat ang pangalan sa social media dahil sa issue nila ni Hades.
Their stolen pictures at SM Puerto Princesa were everywhere. Kahit nakailang tanggi na siya sa mga naunang nag-ambush interview sa kanya ay hindi pa rin siya tinigilan ng lahat. Umabot na sa US ang mga larawan nila at ngayon ay laman na siya ng showbiz headlines sa buong mundo.
At ang pasimuno sa pagkakalat ng balita, ang lalaking staff na nagpa-picture sa kanila ni Hades sa isang boutique. Hindi pala ito nakumbinsi na hindi sila celebrity. Sunud-sunod pa rin sila nitong kinuhaan ng picture hanggang sa labas ng boutique na pinagtatrabahuan nito. Nakuhaan nito pati ang paghalik ng binata sa noo niya.
Naroon siya ngayon sa kanyang silid. Kanina pa dapat siya aalis para puntahan ang agency niyang tuwang-tuwa dahil sa pag-ingay ng pangalan niya. Ipinapatawag siya ni Ramon Riva. Knowing him, may gusto na naman itong ipagawa sa kanya. Kung malalaman lang siguro ng mga tao ang lahat ng maruruming kalakaran sa show business, malamang ay mandiri sila sa mga tinitilian nilang idolo.
She was staring at her window when she remembered all the things happened between her and Hades. Kamusta na kaya ito? Siguro ay nakabalik na ito sa America. Siguro ay inaayos na ng agency nito ang gusot sa career nito. Naninikip ang puso niya sa tuwing naaalala ang naging huling pag-uusap nila. Nasasaktan pa rin siya kapag naaalala ang huling mga salitang binitiwan nito.
"You deserve happiness, Stacey. You deserve the world and the universe. Sadly, the only thing I have given is sadness. Nothing but sadness."
Namalayan niya na lang ang sariling pinupunasan na ang mga luhang kumawala mula sa mga mata niya. She never thought she would cry again. Because of a man again.
Napag-isip-isip niyang lumabas na ng silid. Isinukbit niya na sa braso ang shoulder bag, isinuot ang shades at pink cap na regalo sa kanya ni Hades. She would wear them all the time, she promised herself. Iyon na lang ang tanging bagay na pakiramdam niya ay pumuprotekta sa kanya.
Nakahinga siya nang maluwang nang makita niyang wala na ang mga reporter sa labas ng gate ng condominium na tinutuluyan niya nang mag-drive siya palabas. She checked her wristwatch. Tamang-tama. Lunch break na pala kaya siguro umalis na muna ang mga ito. Malaking pasasalamat din niya dahil mahigpit ang security roon.
"It's time to be free," naibulong niya sa sarili habang nagda-drive.
She would talk to Ramon Riva about her career. Gusto niya na talagang magpahinga. Gusto niya nang malayo sa hindi mabilang na intriga. Hindi siya sigurado kung ano ang magiging bago niyang propesyon pagkatapos ng lahat. Pero alam niya sa sarili niya na hindi niya na talaga gusto sa mundo ng modelling at lalo na sa mundo ng showbiz. May tinapos naman siya. She was not a dumb. Hindi naman siya iyong tipo ng babae na puro ganda lang.
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood Hunk
Romance--Book version is published under Red Room-- Marami ang hindi nakakaalam tungkol sa maruruming kalakaran sa loob ng mundo ng show business. At isa si Stacey sa iilang nakakaalam kung ano ang maaaring bilhin ng pera at kasikatan. Bakit? Dahil isa siy...