CHAPTER 13.3

17K 418 19
                                    

TAHIMIK na pinunasan ni Stacey ang mga luha. Hindi niya akalaing mananariwa sa isip niya ang lahat ng masasakit na alaalang ayaw niya na sanang balikan. Pero hindi talaga pumayag ang pagkakataon. Pagkapasok niya kanina lang sa sariling kwarto ay mabilis na bumulusok sa isip niya ang lahat ng mapapait na bagay.

Naisubsob niya ang sarili sa unan na kanina pa basang-basa dahil sa mga luha niya. Gusto niyang tawaging over acting ang sarili dahil limang taon na ang nakakalipas magmula nang iwan siya ng lalaki. Pero anong magagawa niya kung hanggang ngayon, pakiramdam niya ay may isang bahagi pa rin ng puso niya ang tila nawawala?

Nawala sa kanya ang lahat. Ang daddy niya, ang mommy niya, si Hades, at ang dapat sana'y magiging anak nila ng huli. Pakiramdam niya ay nabuhay siya para maging malungkot. Para maging mag-isa.

Naalala niya ang mga panahong umiiyak siya habang pinapanood sa TV ang performance ni Hades sa ibang bansa na ini-air pa sa Pilipinas. Naalala niya noong mga panahong binabasa niya ang bawat online and printed article tungkol sa dating asawa. Naalala niya nang minsang makita niyang pinagkakaguluhan ang magazine kung saan ito unang nag-cover. Gusto niyang ipagyabang na siya ang dating asawa nito. Na siya ang huling babaeng minahal nito bago ito umalis sa bansa. Pero para saan pa nga ba?

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang marinig niyang mag-ring ang phone niya. It wasn't the usual ringtone. Alam niyang importanteng tao iyon kaya naka-customize pa ang tunog niyon.

"Hades..." naibulong niya nang makita ang pangalan at larawan ng lalaki sa screen ng kanyang phone.

Ilang saglit siyang nag-isip kung sasagutin niya ba 'yon o hindi. Sa huli ay napag-isip isip niya pa ring sagutin ang tawag. Baka importante ang sasabihin nito.

"Stacey..."

"Hello? Bakit?"

"Stacey... Come home, baby. Please."

Nangilid ang luha niya nang marinig ang pagsusumamo nito. He was drunk. Halata sa tono ng pananalita nito. Kung naroon lang siya, hindi niya lang ito yayakapin. Sasaluhan niya pa ito sa pag-inom ng alak kahit napakahina ng alcohol tolerance niya.

"Hades, you're drunk." She tried her best to stay calm.

Gustuhin niya mang umiyak at sabihin ditong pagkatapos ng lahat ay hindi niya pa rin makalimutan ang past nila, mas pinili niyang itago na lang iyon. Para saan pa nga ba? Ayaw niya nang maging option ulit. Ayaw niyang maiwan ulit sa ere at ipagpalit sa punyetang pangarap. Paano kung maayos nila? Magsisimula silang muli? At pagkatapos ay ano? Malamang ay makialam na naman ang manager nito. Malamang ay iwan na naman siya nito para sa kasikatan.

"Stacey... Rose... I'm sorry. I'm really sorry..."

Natutop niya ang bibig para maiwasang kumawala roon ang mga hikbing kanina niya pa pinipigilan. Her tears silently fell from her eyes.

Tumikhim siya. "Let's forget our past, Hades. Pilitin na lang nating maging masaya."

"Putang inang kasiyahan 'yan. Ilang taon ko nang ipinipilit sa sarili ko na masaya ako." Narinig niya ang pag-ubo nito.

"Hades." Hindi niya na alam ang sasabihin. Ano pa bang kailangan nilang pag-usapan? Pinapahirapan lamang nila ang mga sarili nila. Pinalalala lang nila ang sitwasyong humupo na sana limang taon na ang nakalilipas.

"Say 'hi' to Ed Sheeran for me," pabiro niyang sabi kalakip ang mahinang pagtawa kahit pa durog na durog na siya. "I am now formally setting you free. Hindi na kagaya ng dati na hindi man lang kita nakausap nang mawala ka. Good-bye, Multi-award winning singer Hades Vaughn."

Napahagulgol siya nang maibaba ang tawag. She should have asked him why. She should have talked to him, but she choosed to let him go without asking anymore questions. Iyon ang pinakatamang gawin para sa kanya. Minsan kasi, mas lalo lang nasasaktan ang puso kapag pinipilit pang alamin ang mga bagay na hindi na dapat.

She was in the middle of her crying session when her phone beeped. Nang mabasa ang text message mula sa pinsang si Pria ay lalong nagkadurog-durog ang sistema niya.

Stace, my dad finally found Uncle Ronald. He wants to see you. And I'm very sorry to tell you this but Tito has already reached the 4th stage of colon cancer. Your dad is dying, couz. You better talk to him.

Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon