"ARE YOU SLEEPING?"
Sa halip na sagutin ni Stacey ang tanong sa kanya ni Hades matapos nitong kumatok sa kwarto niya ay walang-imik niya na lang itong pinagbuksan.
Bumungad sa kanya ang seryoso nitong anyo. Tinitigan niya itong mabuti. Nag-aalala ba ito sa kanya?
Hindi naman siya nakatulog. Naisip niyang magpahinga lang sa kwarto at huwag nang lumabas pa sa dalampasigan na lagi niyang ginagawa magmula nang una siyang pumunta sa isla. Mas pinili niyang humiga lang sa kama at pakinggan ang ingay ng kalikasan.
Pinilit niyang ngumiti kahit pa napakaraming bumabagabag sa isip niya nang mga oras na iyon. Her past, her career, her, future, and her lovelife.
"Nakahiga lang ako," nakangiti niyang sagot sa tanong nito. "Bakit? Gusto mo 'kong samahan sa kwarto?"
Naramdaman niya ang pasimple nitong pagbuga ng hangin. "As much as I want to, gusto ko muna sanang mamasyal tayo rito. Ang tagal mo na sa isla pero hindi pa tayo nakakapaglakad-lakad man lang."
Parang napawi ang lahat ng iniisip niya sa sinabing iyon ni Hades. Hindi siya sanay na hindi katawan niya ang habol ng isang lalaking gusto siyang makasama. Hades wasn't greedy when it comes to sex. Sa katunayan, pakiramdam niya ay siya pa ang sex predator dahil gusto niyang lagi itong nasa ibabaw niya.
Hindi niya rin naman masisi ang sarili. She was addicted to his touch. His kisses were enough to drive her crazy all the time.
"Wait for me," aniya. "Magpapalit lang ako ng damit."
Ang akala niya ay tatalikod na ang lalaki. To her surprise, tuluy-tuloy itong pumasok at naupo sa isang sulok ng kama.
"Magbihis ka na sa harap ko. I'll wait here."
Pinamulahan siya ng mukha. Wala na siyang nagawa kundi ang kumuha ng isang maluwang na shirt at maiksing shorts. Maga-anti mosquito lotion na lang siya. Hindi naman kasi siya nakapagdala ng mas mahaba-habang mga pambaba dahil ang akala niya, wala siyang ibang gagawin sa bawat araw kundi ang magpaligaya ng lalaki.
He was oggling at her. Naisip niyang asarin ito. Dahan-dahan niyang hinubad ang mga suot na damit hanggang sa underwear na lamang ang matira sa kanya. Sinadya niyang bagalan ang bawat kilos para lang matitigan nito nang husto ang katawan niya. Hindi niya mapigilang makagat ang ibabang labi habang pinagmamasdan kung paano tumatayo ang alaga nito habang nakatitig sa katawan niya.
Nahuli siya ng binata na nakatingin dito. Hades smiled.
"Ikaw talaga. Stop seducing me. Baka hindi na naman tayo makalabas hanggang bukas," may pagbabantang saway nito.
"Masyado ka kasing naka-focus eh. Baka malusaw ako niyan." She giggled.
Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ng lalaki. Hades pulled him and hugged him tight. Out. Of. Nowhere.
Biglang nagrigodon ang puso niya. Matapos ang limang taon, ngayon na lamang niya ulit naranasan ang mayakap nang ganoon. No malice. No erotic feeling. Just a very secure hug that she wish she could always have. Langhap na langhap niya ang mabangong samyo ng katawan nito.
"B-Bakit?" wala sa sariling naitanong niya. She would never get used to sweet gestures. Lumaki siyang wala noon sa paligid niya.
He hugged her tightly. "Wala lang. I'm just happy. Who would have thought that I could have a good vacation away from my busy boring life? Mag-iisang buwan pa lang kitang kasama, but I feel like it's been a year already."
Hindi niya alam ang isasagot sa lalaki. Pero isa lang ang sigurado niya. Maging siya ay nage-enjoy nang husto ngayon sa bawat araw na kasama niya ito. She was very pleased by him in any possible way-lalong-lalo na pagdating sa sex. He insisted that it should be him who must please her.
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood Hunk
Romance--Book version is published under Red Room-- Marami ang hindi nakakaalam tungkol sa maruruming kalakaran sa loob ng mundo ng show business. At isa si Stacey sa iilang nakakaalam kung ano ang maaaring bilhin ng pera at kasikatan. Bakit? Dahil isa siy...