HADES couldn't find Stacey inside his mansion. Nang silipin niya ito sa kwarto nito ay wala ito roon. Inikot niya na ang buong mansiyon pero hindi niya pa rin ito makita—hanggang mula sa terrace ay natanaw niya ito sa dalampasigan, nasa tabi ng bonfire na marahil ay ito ang may gawa.
Mabilis siyang lumabas patungo sa kinaroroonan ng babae. Sa pagkakatanda niya, maga-alas nueve na ng gabi pero naroon pa ito. Ni wala man lang itong suot na pangginaw.
He reached the seashore in just a minute. Walang imik siyang tumabi sa babae. The latter was staring at the moon.
"Masamang mag-bonfire sa buhangin. The sand will turn black," paalala niya kahit pa hindi naman talaga iyon ang concern niya.
Tiningnan siya nito. To his surprise, he couldn't find any reaction in her eyes. Para itong manyika na walang buhay. She looked so beautiful yet so lifeless. Kahit ang liwanag na nagmumula sa apoy na nasa tabi nila ay hindi nakatulong para mag-glow man lang nang kaunti ang mga mata nito.
Matapos siyang titigan ay tumungo ito. "Nilagyan ko naman ng sapin. May nakita kasi akong lumang piraso ng yero sa tinutuluyan ni Mang Waning."
Ginagap niya ang kamay nito. Hinayaan siya nitong hawakan iyon ngunit hindi man lang nito ginantihan ang higpit ng paghawak niya. Something was really off.
"Is there something wrong?" sa wakas ay tanong niya. Fuck his mouth. Of course there's something wrong. He could sense it easily.
Muli itong tumingin sa kalangitan. Nang gayahin niya ito ay hindi niya maiwasang matuwa. There were millions of stars above them. They were beautiful.
Nang sipatin niya ang dalaga ay napapalatak siya. No, the woman in front of her at that very moment was more beautiful than any star. Just like before.
"Nalulungkot lang ako," tugon nito matapos ang ilang segundong katahimikan.
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Is there something bothering you?"
Tumingin ito sa kanya. Her eyes were now full of sadness. Hindi niya maiwasang mahawa sa kalungkutan ng mga mata nito. It was very difficult for him to see her like that.
Ngumiti ito nang mapakla. "Kelan ang balik mo sa US?"
The harsh reality strucked him. Bullshit. Kailangan niya na nga palang bumalik sa America. He could only afford to stay longer with her for a week or two. Napakarami niyang pending commitments at hindi niya pwedeng takasan ang mga iyon. Wala na siyang pakialam sa mga paparazzi sa kung anumang makuhaan ng mga ito sa personal niyang buhay, pero mayroon siyang palabra de honor. Hindi siya pwedeng sumira sa mga show at interview commitments lalo pa't malapit na ang Grammy Awards.
Nang hindi siya makasagot ay muling tumingin sa malayo ang dalaga. Stacey stared at the sea, kahit pa alam niyang wala naman talaga roon ang iniisip nito. So, the woman was saddened by the fact that they have to part ways in just a week or two.
"Kapag nandu'n ka na, message me once in a while." Nilaro nito ang buhanging inuupuan gamit ang hintuturo. "Kahit once a year. Tell me your achievements, your frustrations, or you could just even say 'hello.' Para naman may idea pa rin ako kung ano nang lagay mo roon."
"Stacey..."
"Ang hirap maging sikat, Hades, 'no? Lahat kailangan mong ipagpalit. Lahat kailangan mong gawin para lang manatili ka sa ituktok. Para lang makuha mo ang paghanga ng buong mundo."
He was so sure that she was just holding back her tears. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit, but a part of him was telling him to back off. She needed space and he knew hugging would not help at all, at least for that moment.
Napatingin na lang din siya sa karagatan. "Indeed. Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit? It is when you have to sacrifice your one true love for the sake of money and fame, in order to sustain your starving family."
Hindi ito kumibo. Nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang pagtitig nito sa kanya pero mas pinili niyang huwag nang salubungin ang mga mata nito. That would only hurt them more.
"Hindi ko na mabilang kung gaano karami na ang nasakripisyo ko para sa putang inang career na 'to. My happiness, my privacy, everything. Kahit 'yung mga taong malalapit sa 'kin, kinailangan ko silang layuan at pilitin 'yung sarili kong mag-stay sa ibang bansa. My parents were both performers before, and all I wanted to do is to be like them. Pero hindi ko ginustong makadena." Bumuntong-hininga siya. "Gusto ko lang silang iahon noon sa hirap, pero hindi ko ginustong ako ang maging kabayaran ng lahat ng ginhawang meron kami ngayon."
"Lahat ng desisyon natin sa buhay, may kapalit. Kung makakabalik lang din ako sa nakaraan, sisiguraduhin kong itatama ko ang lahat ng maling desisyon ko," narinig niyang tugon ni Stacey. "Pagod na akong matakot kung hanggang kailan ka lang magi-stay sa tabi ko."
He ran his fingers through his hair. Pagkatapos ay pumihit siya paharap dito. Nagulat siya nang makita ang anyo nito. She was now crying. Those tears were like jewelries being wasted because of him.
"Rose." Wala sa sariling naitawag niya rito.
"Matagal ko nang hindi ginagamit ang pangalang 'yan, Hades."
It hurted him like hell.
"I'm sorry." Hindi niya na alam ang sasabihin niya.
"Magmula nang piliin mong maging si Hades Vaughn." Dugtong nito sa naunang sinabi.
Gusto niyang pagsusuntukin ang sarili. Hindi niya alam kung anong itutugon niya sa mga tinuran nito. She was absolutely hurt. She was trying to start a new life, without him being her priority.
"Babalik na ako sa Manila bukas. Pakisabi naman kay Mang Waning, sunduin ako nang maagang-maaga rito," malungkot nitong anunsiyo bago tumayo.
Akmang tatalikod na ito nang bigla niya itong hilahin at kabigin palapit. He landed his lips on her sweet mouth and tried to let her feel what's inside his heart. She kissed back. Ngunit habang tumatagal ang pinagsasaluhan nilang halik ay nararamdaman niya ang panginginig ng mga labi nito. He could feel her sobbing and drowning in too much sadness.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay mabilis niyang pinunasan ang mga luha nito. Hindi niya akalaing makikita niya ulit ito sa ganoong anyo. Basag na basag. Durog na durog.
"Stacey... Stacey Rose..." Ah, fuck. He couldn't open his mouth to tell her how important she was in his life.
"You don't know how much it hurts. You don't know how hard it is for me to pretend that I don't know you at all," mahina ngunit punung-puno ng hinanakit nitong sabi sa pagitan ng mga paghikbi. "I hate you, Prince... I really, really hate you Prince Hades Dela Cruz."
Ikinulong niya ito sa kanyang mga bisig. She cried out loud.
"Hinding-hindi ko na hahayaang umasa na naman ako," umiiyak nitong sabi.
Siguro nga ay hindi siya ang tamang lalaki para rito. Maybe after all these years, the woman was just waiting for a closure. And he must have the balls to set her free... even if that means he has to permanently let go of his long lost happiness.
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood Hunk
Romance--Book version is published under Red Room-- Marami ang hindi nakakaalam tungkol sa maruruming kalakaran sa loob ng mundo ng show business. At isa si Stacey sa iilang nakakaalam kung ano ang maaaring bilhin ng pera at kasikatan. Bakit? Dahil isa siy...