"MA'AM, nandito na po tayo."
Mula sa pagkakatitig sa kabuuan ng isla ay napabaling si Stacey sa bangkerong naghatid sa kanya patungo roon. Ito raw ang c-in-ontact ng agency niya. Alas quatro y media na nang hapon nang marating nila ang isla.
She couldn't say a word.
Nang mapansing hindi pa siya kumikilos ay ang bangkero na mismo ang naunang bumaba. "Ibababa ko na po ba 'yung mga gamit niyo?"
Tumango lamang siya. Muli siyang napatitig sa isla. The island was so breathtaking! Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita. Dito siya manunuluyan sa loob ng isang buwan? Hindi siya makapaniwala. She had visited some islands but those were nothing compared to the view in front of her eyes at that moment. Malayong-malayo ito mula sa kabihasnan pero sulit ang bawat oras na iginugol sa byahe.
"Manong, anong island po ito?" hindi niya napigilang itanong.
"Camiaran island po, madam. Romantic island ng Palawan." She could hear how proud the old boatman was. Nakangiti pa ito nang sulyapan siya habang ibinababa ang dalawang maleta niya.
Napatitig siya rito. Sa tantiya niya ay nasa mid-50s na ito. Mamula-mula ang dark brown skin color. Halatang batak sa trabaho sa ilalim ng init ng araw.
She was amazed. Mukhang msayahin ang mga tao sa Palawan kahit hirap sa trabaho.
"Artista ho ba kayo ma'am? Wala kasi kaming TV sa bahay," medyo nahihiya pang tanong ng bangkero.
Napangiti siya. "International model po. Not yet successful as an actress."
Inalalayan siya nito sa pagbaba. Nang mailapat niya ang sandalyas sa dalampasigan ay agad itong nahalikan ng tubig-dagat mula sa mahihinang alon na bumibisita sa buhanginan.
The sand was very refined. It was a pinkish-white fine sand. The water was crystal clear and there's even a sandbar meters away from where she was.
Malinis na malinis din ang buong paligid. Hindi kagaya ng mga beach na nakikita niya sa ibang lugar na napuno na ng basura dahil sa kapabayaan ng mga tao.
"Ay, kayo siguro 'yung nobya ng may-ari nitong isla. Sikat na singer daw sa Amerika. 'Di ko naman kilala kay matanda na ako. 'Tsaka roon ba naman sa amin, isang kapitbahay lang ang may TV. Nahihiya na nga ako sa mga anak ko. Hinihingian ako ng TV, eh kagabi, dalawang pirasong isda lang ang ulam naming pito. Walang huli. Bilog ba naman ang buwan. Mabuti nga eh tumawag 'yung manedyer niyo ata 'yun sa anak ko. 'Buti nag-tsarj ng selpon sa bayan bago umuwi," magiliw na kwento nito. Nang mapansin na hindi siya kumikibo at mataman lamang nakikinig, medyo nahiya ito at mabilis na nagpaalam. "Nako pasensya na po. Baka nadadaldalan kayo sa 'kin. Ganito lang ho ang mga taga-Palawan. Sige ho, ma'am. Alis na ho ako. Ingat po."
Naantig siya sa kwento nito. How come she didn't have a loving and hardworking father like this man?
Akmang itutulak na nito ang bangka sa laot nang pigilan niya ito.
"Teka, manong. Ano nga po ulit ang pangalan niyo?" tanong niya.
"Ruben ho. Ruben Makatinig."
Dinukot niya ang wallet mula sa Louis Vuitton shoulder bag na nakasukbit sa braso niya. She handed him eight thousand pesos.
Nanlaki ang mga mata ni Mang Ruben. Halatang hindi makapaniwala. Halos ayaw nitong kunin ang pera. "Binayaran na po ako. One-payb 'yun, madam. Kukunin ko na lang bukas sa Palawan Ekspres Padala."
"Tip ko na lang po sa inyo 'yan, Mang Ruben. Bilhan niyo po ng pasalubong 'yong pamilya niyo." She smiled and started to pull her things. "Sige ho. Tutuloy na ako roon. Mag-iingat po kayo sa byahe. Aabutin na kayo ng gabi."
Naluluhang nagpaalam ang bangkero. "Ma'am, sana po mas pagpalain pa kayo. Salamat po talaga. Salamat po."
Pinanood niya kung paano nito itinulak ang bangka pabalik sa dagat. Sumampa ito at nag-sagwan nang kaunti bago binuhay ang makina. Nilingon siya nito at buong-lakas na iwinagayway ang kamay sa ere.
She couldn't help but smile. Hindi tamad ang mga Pilipino. Hindi tamad ang mga tulad ni Mang Ruben. Nagtatrabaho ito at nagsisikap, ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataong umahon sa buhay.
Huli na nang ma-realize niyang mabigat pala ang mga dala niya. Hindi niya man lang iyon ipinabuhat hanggang sa harap ng mansyon na lalakarin pa niya for twenty meters.
And, oh. The mansion was so elegant. Pure white and mahogany brown lang ang kulay ng exterior pero 'di hamak na mas maganda pa ang architectural structure niyon kesa sa bahay ng mga kaibigan at kakilala niya.
Nang sa wakas ay nahila niya ang mga bagahe hanggang sa entrada nang mansiyon ay dire-diretso na siyang pumasok sa loob ng gate. Napakataas ng bakal na bakod ng mansiyon. Maybe it was intentionally made for wild animals dahil pansin niyang malaking bahagi pa rin ng isla ang untouched.
For some reasons, pakiramdam niya ay sinadya lang na iwanang bukas ang gate para makapasok siya. Napansin niya kasi kung gaano ka-hightech ang security. Mayroong CCTV sa bibig ng dalawang leon na nasa magkabilang side ng gate. May mga nakikita rin siyang sensor at kung anu-ano.
Wala man lang bang katiwala o katulong na sasalubong sa kanya? She was fucking tired. Nahirapan pa siya sa pag-angat ng mga bagahe mula sa buhanginan.
Elevated ng one foot mula sa buhangin ang dinaraanan niya ngayon nang makapasok sa gate. There were beautiful marble sculptures on both sides of the mansion's main door. Maraming magagandang bulaklak sa paligid lalo na sa gilid ng gazebo sa hindi kalayuan. Papasang romantic setting ang area na iyon.
Lawit na ang dila niya nang sa wakas ay marating niya ang main door. Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa mga sandaling iyon. Wala man lang bang sasalubong sa kanya? Bakit parang walang tao?
Paano na lang kung mu-murder-in pala siya sa loob ng mansiyon na iyon? The place doesn't look oaky and creepy at all pero hindi pa rin siya kampante. Kakabasa niya yata iyon ng horror and suspense stories.
Napabuntong-hininga siya. Bahala na.
She was about to touch the doorbell when a topless man suddenly came out. Nagkagulatan pa sila.
She then stared at him, and he oggled at her face. Napalunok siya.
He... He was fucking hot.
"H-Hades Vaughn."
He smiled at her. A mischievous yet dazzling smile na kilalang pang-akit nito sa mga kababaihan. "So... You're Stacey."
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood Hunk
Romance--Book version is published under Red Room-- Marami ang hindi nakakaalam tungkol sa maruruming kalakaran sa loob ng mundo ng show business. At isa si Stacey sa iilang nakakaalam kung ano ang maaaring bilhin ng pera at kasikatan. Bakit? Dahil isa siy...