"ARE YOU OKAY?"
Mula sa napakaraming iniisip ay bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Stacey dahil sa tanong na iyon ni Pria. Nag-angat siya ng ulo mula sa tinititigan niyang Frappe. Tinawagan niya ang pinsan matapos ang mainit na sagutan nila ni Reese. Her cousin flew from Rizal to Quezon City right away.
"Yup," wala sa sarili niyang tugon.
"I mean, are you really okay?" ulit nito sa tanong na mas diniinan ang bawat salita.
Napatitig siya rito. "Pria, if you're on my shoes, would you talk to Hades and ask for a proper closure or would you leave him like what I did?"
Sumimsim ng kape ang pinsan niya. Hindi niya alam kung bakit uminom ito nang gano'n samantalang makakasira sa figure nito ang pag-inom ng sweet beverage.
Napabuntong-hininga siya. Mabuti pa ang pinsan niya. Pria was just always concerned about its own figure, pero kahit kailan ay hindi niya ito narinig na namrublema sa lalaki. Unlike her. All her life, men never fail to hurt her fragile heart.
"Couz, nasaktan ka niya. Hindi lang basta nasaktan. He shattered you into tiny pieces when he ditched you for fame," komento nito. "Pero ayon sa kwento mo, I think he still loves you."
"Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko," she protested.
"What I mean is, hindi siguro closure ang kailangan ninyong dalawa. Maybe... Maybe ha? Maybe you need to give it a second chance."
Second chance.
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Pria. Siya mismo sa sarili niya, hindi niya alam kung dapat bang bigyan ng second chance ang mga nangyari sa kanila ni Hades. He was now the most successful male Hollywood singer of his generation, while she was a struggling actress. Oo nga't may pangalan siya sa mundo ng modelling like Maureen Wroblewitz, Kelsey Meritt, etc. Pero hindi pa rin sapat iyon para masabing babagay siya sa lalaki.
Nagkalambong ang mga mata niya. "Para saan? Para ipagpalit niya na naman ako sa mga pangarap niya? Paano kapag kinumbinsi na naman siya ng Hudas niyang manager? At paano kung tayo, o ako... Paano kung ako na lang ang naga-assume na may nararamdaman pa siya para sa 'kin?"
Her cousin shrugged. "Ikaw lang ang makakasagot niyan, Stacey. Imagine the plot of your story. Nagkakilala kayo, iniwan ka niya para sa pangarap niya. Pinilit ng manager niya na ma-annul ang kasal ninyo nang walang nakakaalam at pinilit kang papirmahin sa kontrata na sakalimang magkita kayo ulit, kailangan ninyong magpanggap na hindi kayo magkakilala. Then after five years, nagkataong ikaw pa ang nakuha ng manager niya para makasama sa private island niya. Habang nando'n kayo, parang bumalik lahat. Bumalik 'yung feelings. Pati 'yung passion niyo sa sex, kayong dalawa lang ang nakakapuno sa isa't isa."
Isa-isa niyang ipinasok sa isip niya ang mga sinabi ni Pria. Bigla, parang malakas na buhos ng ulan na unti-unting bumalik ang lahat ng mga alaala.
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 1: Hades, The Hollywood Hunk
Romance--Book version is published under Red Room-- Marami ang hindi nakakaalam tungkol sa maruruming kalakaran sa loob ng mundo ng show business. At isa si Stacey sa iilang nakakaalam kung ano ang maaaring bilhin ng pera at kasikatan. Bakit? Dahil isa siy...