Oras na

6 0 0
                                    

***

Sa tagal na panahon na di ka nasilayan
Di ko batid na hanggang ngayon ikaw pa rin ang aking hinahangaan
Marami nang nagbago sa sarili ko
Ngunit hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo

Muli ay tinago ko ito
Ngunit sinabi nila sayo
Pilit ko mang sabihin na hindi iyon totoo
Ngunit wala akong magawa dahil sa mga ngiti mo

Noon ay akala ko pareho tayo ng nararamdaman
Ngunit nalaman ko na di 'yon mangyayari kailanman
Dahil may ibang laman ang puso mo
At iyon ang kaibigan ko

Sa paglipas ng mga araw
Pinilit kong 'wag kang matanaw
Ngunit tila mata ko ay uhaw
Sa mga ngiti mo na nakakasilaw

Minsan isang beses ako'y napaiyak
Dahil para akong sinibak
Na akala mo sa gera'y sumabak
Sapagkat puso ko ay nawasak

Sa pagsambit mo ng mga katagang ito
"Kaibigan lang kita at hanggang dito lang tayo"
Mga luha ko ay biglang tumulo
Dahil sa katotohanan na 'di mo ako kayang mahalin dahil iba ang iyong gusto

Minsan napaisip ako bigla
Bakit nga ba mahal pa rin kita
Kahit na may iba kang sinisinta
Kalimutan ka ay di ko kaya

Pinilit kong iwaksi ang damdamin
Dahil walang pinatunguhan ang pag-amin
Kaibigan lang ang turing mo sakin
Iyon ang katotohanang ayokong isipin

Ito ang istorya nating dalawa
Minahal kita ng sobra
Nagmahal ka nga rin pero sa kaibigan ko pa
Kaya napatanong ako, anong wala sa akin na sa kaniya mo nakita

Pero katangahan na nga siguro ito
Dahil ikaw at ikaw pa rin ang iniibig ko
Kahit na alam kong malabo
Malabong magkaroon tayo dahil siya ang nasa puso mo

Ano bang dapat Kong gawin
Paano ko ba ito tatanggapin
Kalimutan ka ba ay magagawa
Kahit na sobrang mahal kita

Ngunit wala naman na
Wala na akong mapapala
Mahal mo siya at mahal ka niya
Siguro oras na para kalimutan ka

***

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon