***
Ilang beses pa bang masasaktan?
Ilang beses pa bang luluha sa unan?
Ilang beses pa bang matutulala sa kawalan?
Ilang beses pa ba?Ako'y sawa na sa kakaiyak
Bawat luhang pumapatak
Dama ng puso kong nabibiyak
Dahil sayo ito ay nawasakMahal kita pero tama na
Mahal kita pero ayoko na
Mahal kita pero masakit na
Mahal kita pero ako'y suko naTama na ang ilang ulit na sinaktan mo ako
Tama na ang ilang beses na pagpapaiyak mo
Tama na ang pagpaparamdam na hindi na ako ang nasa puso mo
Tama na wag mo nang durugin pa ang puso koAko'y nakapag isip na
Ikaw ay titigilan ko na
Pagmamahal ko ay ibabaon na
Sa ilalim ng lupa kasama ang iyong mga alaalaPuso ko ay pasayahin na
Wag mo na sanang saktan pa
Dahil hindi ko na kaya
Ang panibagong sakit na idudulot mo sintaNgayon ay paalam na
Ako ay lalayo na
Hiling ko sana'y maging masaya ka
Kahit hindi na sa akin sintaMinahal kita ng totoo
Pero ako'y niloko mo
Naghanap ka ng iba
At doon ka nagpakasayaPaalam na sayo
Salamat sa pananakit mo
Dahil natuto ang puso ko
Na wag magmahal ng sobra dahil ako ang masasaktan ng todoSa oras na ito
Wala na ang dating ako
Sa muli nating pagkikita
Paalam na sinta***