***
Sa mundong marikit
Mata ay ipikit
Dinggin ang mga ibong umaawit
Pakalmahin ang pusong sumasakitSa pagmulat ng mata
Patuyuin na ang mga luha
Bigyang kurba ang labi
Tapusin na ang pagdadalamhatiIto ay ang ikalawang yugto
Ng pusong muling nabuo
Mula sa pagkakawasak nang husto
Dahil sa maling taoPanahon na para maiba
Bigyan ang sarili ng saya
Kalimutan na ang nakaraan
At mabuhay na sa kasalukuyan***