Bakit?

2 0 0
                                    

***

Anong nangyari?
Bakit hindi ko mawari ang pangyayari?
May nagawa ba akong masama na iyong dinamdam
Para sa akin ay di ka magparamdam?

Anong nangyari?
Parang kahapon lang ay masaya tayo at ngumingiti
Bakit bigla kang nagbago?
O sadyang di lang kita kilala ng todo?

Bakit ito nangyayari?
Sa dami ng pwedeng mangyari
Bakit ang kalimutan ako ang iyong napili
Bakit hindi ka nagsabi

Bakit ito nangyayari?
Kung kelan nagkaron ng ngiti sa labi
Doon ka pa nag-iba na parang ikaw ay nagsisisi
Nang-iwan ka nalang bigla ng walang pasabi

Bakit anong nangyari
Nasa dulo talaga ang pagsisisi
Bakit ako nagtiwala ng husto
Ito tuloy nahihirapang makawala sa sakit na dulot mo

***

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon