Mahal Kita

3 0 0
                                    

***

Mahal kita alam mo ba?
Mahal kita pansin mo ba?
Mahal kita pero mahal mo siya.
Mahal kita pero puso mo'y may laman na iba.

Mahal kita kahit may mahal kang iba
Mahal kita kahit na ang nagpapasaya ay siya
Mahal kita kahit wala akong napapala
Mahal kita kahit wala na akong pag-asa

Mahal kita mula noon hanggang ngayon
Mahal kita kahit na lumipas na ang ilang panahon
Mahal kita kahit na hindi ito naaayon
Mahal kita hanggang may pagkakataon

Mahal kita kahit na kaibigan ko ang mahal mo
Mahal kita kahit nasasaktan na ako
Mahal kita kahit di ako ang mahal mo
Mahal kita at ikaw lang ang nandito sa puso ko.

***

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon