Nalalapit na
Magsisimula na
Panibagong pahina
Bagong kabanataUnti-unting damhin
Ang papalapit na hangin
Dala ang bagong balita
Ng isang umagaNandito na nga
Pagsubok ay nag-aabang na
Ihanda na ang mga sandata
Sa bakbakang hindi mo kakayanin na mag-isaPara pangarap mo ay makamtam
May hirap munang mararamdaman
Ito ang magpapatunay
Na lumaban ka sa buhayKapag nakamit mo na
Walang kapantay ang saya
Lungkot at sakit ay mawawala na
Paghihirap mo ay isa na lamang alaala
