Pangarap

2 0 0
                                    

***

Isa ka sa aking mga pangarap
Pangarap na hindi ko makakamit sa hinaharap
Kahit anong gawin at kahit anong paghihirap
Ikaw! Ikaw ay mananatili nalang na pangarap

Mahal kita pero may mahal kang iba
At ang mas malala at masakit ay kaibigan ko pa
Pero kahit ganun ay masaya ako para sa inyong dalawa
Dahil kitang-kita naman na mahal niyo ang isa't-isa

Masaya akong makita ang mga ngiti niyo sa labi
Ngunit 'di ko maiwasang mainggit sa nangyayari
Gusto kong tanggapin ang lahat kung maaari
Dahil ayoko nang masaktan pa dahil siya ang iyong pinili

Tama na siguro na ganito na lang tayo
Ngunit masakit isipin na hanggang dito lang ito
Isa lang naman ang hinihiling ko
Ito ang makasama ka at maging tayo

Ngunit ganun na nga siguro kaloko ang tadhana
Kasi nagmahal na nga ako, yung may mahal pang iba
Hinayaan niya lang akong masaktan ng dahil sa kaniya
Ngunit anong magagawa ko? Ito na siguro ang nakatakda

Nakatakda akong mahalin ka
Nakatakda din namang magmahalan kayong dalawa
Mahirap at masakit man ito para sa akin
Kailangan ko pa ring tanggapin na ikaw, ang pangarap ko na hanggang tingin na lang din

***

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon