***
Kung hindi mo rin naman mamahalin
Bakit mo pa kailangang pakiligin?
Kung hindi mo rin naman sasaluhin
Bakit ang daming mga matatamis na salita ang kailangan mong banggitinMga lalaki nga naman
Lagi nalang ganyan
Kung kelan may nagmahal sa kanila ng todo
Dun pa sila hindi magseseryosoAng galing umakting sa harap ng madla
Na kesyo sweet sila at mahal na mahal ka
Pero sa susunod na araw bigla na lang mawawala
Iniwan kang mag-isa na parang isang laruan na siraMagsasabi ng I Love You
Pero hindi naman totoo
Paglipas ng araw bigla nalang mag-iiba ang trato
Yun pala may nahanap palang na iba na mas maganda sayoBakit ang bilis nilang magpalit
Grabe kung makahangad ng higit
Hindi makuntento sa isa
Kailangan laging may reserbaWag mong pakiligin kung di mo sasaluhin
Wag mong sasaluhin kung ibabagsak mo lang din
Kung sa una palang laro na ang lahat sayo
Maaari bang itigil mo na to dahil puso na ang nakasalalay ditoWag mong wasakin nang husto
Tama na ang minsan mo nang niloko
Tapusin mo na ito
Dahil hindi naman bato ang pusong ito***
