malungkot na balita ito para sa pamilyang bernardino. lalo na kay Jayson. mahal na mahal nya ang kapatid kaya di na matanggap kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ang kapatid pa nya ang nagkaroon ng sakit na ganito. pero di nya sinisisi ang panginoon dahil alam nyang pagsubok lamang ito sa kanilang pamilya. at handa nyang gawin ang lahat para lamang mapasaya ang kapatid.
"kuya!" untag ni andrea sa kanya habang malayo ang iniisip nitong nakatitig sa labas ng bintana ng kwarto nito sa hospital.
"bakit mi amor nagugutom ka na ba?" tanong nito sa kapatid
di pa alam ni Andrea ang tunay na kalagayan nya dahil ayaw pang sabihin ng mga agulang nila dito.
"wala naman kuya, napansin ko lang kasi parang malayo ang iniisip mo" tugon nito
" may naalala lang ako" malumanay na sagot nito sa kapatid
"sino naman yan?
"wala, wag mo ng alalahanin. magpahinga ka nalang jan at ng makalabas ka na. naiinip na ako dito"
" nakuha mo pang maunang mainip sakin samantalang ako ang may sakit dito"
" gusto ko na kasi mamasyal sa mall"
"sige iwan mo na muna ako dito. mukang may lakad ka yata"
"pag labas mo nalang mamamasyal tayo"
" talaga?!"
"oo kaya magpagaling ka na ha!"
"bakit treat mo kuya?" nakangiting tugon nito
"basta ba magaling ka na eh" sagot niya sa mahal na kapatid
"kuya magaling na ako. sakit ng ulo lang naman yun di naman grabe eh at isa pa may binigay ng gamot ang doktor diba"
napatingin lang ito kay andrea at napaisip. pano kung malaman nya ang tunay na kalagayan nito? pano nya kaya ito matatanggap?
mga katanungan sa isip nya ng biglang dating ni Patrick
"yo! kumusta na ang crush ko?" biro nito pagkapasok sa loob ng kuwarto
tumayo si Jayson at kinuha ang dalang fruits and flowers para kay Andrea
"bumabanat ka na naman kadarating mo lang" sagot ni Jayson sa kaibigan habang si Andrea ang nakangiting nakatingin lamang sa dalawa.
totoo naman kasi na crush ni Patrick ito. Matagal ng gustong manligaw kaya lang binabawalan ito ng kuya nya kasi naman kilala na nya ito chick boy.
"Pat! paglabas ko dito mag mall kami ni kuya" sabi ni andrea sa bagong dating.
"at sasama ako syempre" sagot nito
"date namin ng kapatid ko yun kaya di ka pwede sumama" sagot naman ni Jayson
"oo nga. kami lang ni kuya. next time ka na" nakangiting sagot ni andrea dito
"tayong dalawa lang?" tanong ni Patrick na nakangiti dito
" oy! kasama pa ako!"sabad naman ni Jayson
nagkamot nalang ng ulo si Patrick dahil alam nyan sasama talaga ito kasi over protective ito sa kapatid lalo pa ngayon na may karamdaman ito.
An_
till next update po :)
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mundo...
RandomSpoiled Prince meets Spoiled Princess... Based on a real love story... some of the scene really happened.. Sana magustuhan nyo ang aking kwento... at ito ang simula.... Abangan... https://www.facebook.com/andreaamor.bernardino https://www.faceboon.c...