chapter 13 (some-thing's)

27 1 0
                                    

"I know a place where no one goes to

A place where no one knows you

Let me take you there

I wana take you there"

-plain white t's

it make sense sometimes when you really love a person from different world...

"ilang buwan, araw, oras, minuto o segundo man ang bilangin. alam kong di magtatagal at ako ay aalis na rin sa inyong buhay."

ito ang mga katagang mababasa mo sa unang pahina ng diary ni Andrea.

alam nyang di na sya magtatagal kahit ano pang pagtatakip ang sabihin ng kuya at mga magulang nya.

sanay syang nakukuha ang lahat ng gustuhin nya pero parang sobrang OA na ang pagbibigay nila ng labis labis na atensyon sakanya lately. simula ng lumabas na sya ng ospital.

"Kuya!" sigaw ni Andrea mula sa labas ng kuawarto ng kapatid nya

naalimpungatan yata sa pagtulog ang kapatid at nalaglag ito sa higaan nya ng marinig ang sigaw ng mahal na kapatid.

"Andrea, ok ka lang ba?" nag aalalang tanong nito ng mahimasmasan.

"ahahahhahaha! kuya napano ka? tatawa tawang tanong nito sa kapatid ng pagbuksan sya ng pinto ng kuwarto nito

"ikaw ang napano? bakit mo ako tinawag? may masakit ba sayo? " sunod sunod na tanong nito sakanya

"wala po. ok lang ako" nakangiting sagot nito sa kapatid

"eh bakit mo ako ginising?" nakasimangot na sagot ng kuya nya sakanya

nag iba ang timpla nito dahil sa kakaidlip lang nito. pagod sya sa school at di sya masyadong nakakatulog sa gabi kasi nag aalala ito para sa kapatid.

"may bisita ka sa baba. babae. hinahanap ka" tugon nito sabay talikod at mabilis na bumaba

kakamot kamot ng ulong pumasok ulit sa kuwarto si jayson at nagbihis. nagtataka sya kung sino ang babaeng bisita nya.

"hi kuya!" nakangiting salubong ng dalawang babae sa terrace nila pagbaba nya.

"karla! kelan ka pa dumating?" tanong nito sa bisita nila

"last week pa. sorry ngayon lang ako nakapunta dito." sagot ni karla

si karla. pinsan nila jayson at andrea sa side ng mama nila. balikbayan ito galing japan. close nila ito dahil sa nag iisang anak ito ng tita nila sa asawang hapon.

"san ka tumuloy ba?" tanong ni jayson kay karla

"sa hotel ^_^" sagot nito

"pero ngayon dito na muna ko. pwede?" nakangiting sabi nito

"bakit naghotel ka pa eh pwede ka naman dumerecho na dito. baliw ka talaga ate kaye" sagot ni andrea dito

"oo nga naman dapat nagpasundo ka samin sa airport" pag ayon ni jayson sa kapatid

"alam ko naman na mejo busy kayo at may pinagdaraanan kaya naisip kong tumuloy muna sa hotel para makapagpahinga at bawas na sa alalahanin nyo" paliwanag ni karla sa dalawa

"sabi ni mommy nagkasakit ka mi amore?" baling nito kay andrea

"ah, migraine lang naman. di naman ganun kaseryoso" nakangiting sagot nito

nagkatinginan si jayson at karla. alam na kasi nito ang tunay na kalagayan ng bestfriend nya. mahal na mahal nya ito dahil ito ang nag iisang pinsan nyang nakakaunawa sa mga tantrums nya best of friends sila mula pa ng pagkabata dahil dito sa bahay nila sya nagbabakasyon kapag umuuwi sya galing ng japan.

"asan ang mga gamit mo?" tanong ni jayson sa pinsan

"nasa hotel pa"tugon nito

"oh tara kunin na natin"masayang sabi ni andrea habang hinihila nito ang pinsan sa kotse para kunin ang mga gamit na naiwan nito.

--Sa kabilang banda..

"Mike,  anong tinitignan mo jan?" tanong ni Albert sa nakatulalang kaibigan na kanina pa titig na titig sa monitor ng computer

"iniisip ko lang mike kung san ko nakita si Andrea"wala sa loob na tugon ni John sa kaibigan

"ayan sa facebook. jan mo sya nakita" pang aasar naman ni Vincent dito

"di. niloloko nyo naman ako. seryoso to. parang nakita ko na sya kung saan" sagot nitong nakatingin pa rin sa screen ng monitor.

"teka, naalala ko na!" papitik pitik pa sa daliring sabi ni john habang inaalala kung saan nya nakita ang babae

"Saan?!" sabay na sagot ni vincent at Albert

"sa debut 2 months ago. sya yun nakabanggaan ko. yun babaeng suplada" pag aalala nito sa nakaraan

"ah yun nag iisang babaeng di naakit sa kagwapuhan mo" sagot ni Albert sabay tawa nilang dalawa ni vincent

"teka, ma pm nga sa fb" sabay tingin kung naka online ito sa friends list nya

"offline mike malas mo" komento ni vincent

"ppm ko pa rin mababasa din naman nya pag online nya mamaya" sabi nito

-an

at dahil magpapasko na daw di pa ko nag update. hehehe

chris anne, eto na. kaya wag mo na pakikialaman cp ko. magbasa ka nalang ulit sa pc hahaha..

hi kay rosemarie binondo ang lil sister ni Glennie.. kay mary ann at andrea. salamat sa mga nagbabasa. Merry Christmas and a happy new year po :)

Sa Aking Mundo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon