CHAPTER 2√

61 17 0
                                    

Dito nga ako nag-aaral sa Western Munchlanx University. Dumadagundong ang puso ko sa kaba dahil alam kong sa pagpasok ko sa paaralan na ito magsisimula na naman ang kalbaryo ng buhay ko. Simula pa kasi noong nag-aral ako rito walang araw na hindi nila ako binubully. At ngayon na magtatapos na ako sa senior high, sana naman wala ng mambully sa akin. I want a peaceful life since then. Nakakasawa rin kasing parating mong maririnig mula sa kanila ang mga salitang panget, nerd, manang at higit sa lahat ay ang salita na bobo stupid o tanga. Sana naman maging ayos na ako sa paningin nilang lahat.

Huminga muna ako ng malalim at napatingin sa malaking gate ng school. Kaya ko 'to!

Napasimangot ako nang biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo papuntang classroom. May narinig akong tinatawanan ako pero hindi ko na sila pinansin. Agad kong hinanap ang classroom ko, nung nakita ko ito agad akong pumasok.

"Ma'am nandito na po ako. I'm present!" napunta sa akin ang atensyon nilang lahat.

"Ahh... miss what's your name?"- nagtatakang tanong ng guro.

"Stephanie. I am Stephanie Morgan ma'am."

Ngumiti siya sa akin at napailing habang nakatingin sa class record.

"I think you got the wrong classroom." napanganga naman ako.

Nahihiya akong tumango. Ang tanga ko naman! Nakakahiya.

"By the way, para malaman mo ang schedule mo pumunta ka sa school head at doon mo rin makukuha ang schoold I.D mo." nahihiya akong ngumiti.

"T-thank you ma'am."

"Panget na nga, tanga pa. Tss...." rinig ko mula sa lalaking nasa bandang likod nakaupo. Wow. Akala mo naman sobrang gwapo.

"Sorry at salamat na rin po." dali-dali akong umalis at pumunta na sa school head para kunin ang schedule at I.D ko.

Pagkatapos ay hinayaan ko ang  mga paa ko mapunta kung saan. Napunta ako sa basketball court ng school. Napabuntong-hininga ako at napayuko.

"First day of school may practice agad."pabulong kong sabi, naiirita kasi ako sa nangyayari. Siguro dahil sa katangahan ko kanina kaya ngayon iritable ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang hindi ko namalayan ang bola na tumapat sa mukha ko at bigla namang dumilim ang paligid ko.

Someone's POV

Nandito ako ngayon sa basketball court. Kahit noong summer pa lang may practice na kami. While I was practicing my special moves together with my co- player suddenly when I pass the basketball with matching full force may natamaan ng bola at agad naman itong nawalan ng malay. I ran unto her at agad ko siyang kinarga at dinala patungong clinic. May mga babaeng nagtitilian. Well, I don't have time for them may pinapriority ako kundi itong babaeng walang malay. Ba't kasi napaka weak nito?

Nang nakapasok na ako sa clinic. Agad ko siyang nilagay sa clinic's bed at basta nilagay ko siya wala akong pake kung anong nangyari sa kanya. Napatingin naman ako sa muka nito. Wait, I think I remember her.

"Ms. Joy paki asikaso na lang po siya" sabi ko agad nung pumasok na si Ms. Joy, ang nurse sa clinic.

"No problem sir. What happen to her?" she asked while trying to check the pulse of that girl.

"Natamaan ng bola."

"Okay sir, eh bakit madumi ang damit niya? May nangyari ba aside from that?" she asked at tumawa ng mahina. I think she thought na ginahasa ko itong nerd nato kasi magulo ang damit niya at madumi.

"I got to go Ms. Joy call me when she's awake and by the way, wala akong ginawa sa nerd na yan. Ok." I said then umalis agad sa clinic.

Who's that Girl? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon